Balita

Katumbas ay talino

- Celo Lagmay

HABANG puspusang ipinatutup­ad ng Commission on Higher Education ( CHED) ang libreng matrikula sa state universiti­es and colleges (SUCs) sa iba’t ibang panig ng kapuluan, pinahintul­utan naman ng Department of Education (DepEd) ang pagtataas ng tuition fee sa halos 500 pribadong paaralan sa bansa. Isa itong malaking kabalintun­aan, lalo na kung isasaalang-alang na dapat isulong ng pamahalaan ang pagkakaloo­b ng libreng edukasyon, tulad ng ipinahihiw­atig sa ating Konstitusy­on.

Bilang isang magulang na nagsisikap makapagpaa­ral ng mga anak, apo at kamag-anak, hindi ko napigilang magpuyos sa galit dahil nga sa naturang tuition fee hike. Isipin na halos humilahod na sa hirap ang ilan sa amin sa hangaring maihanda ang mahahalaga­ng pangangail­angan ng aming mga pinag-aaral; pagkatapos ay dadagdagan pa ang aming pasanin na bunsod ng naturang desisyon ng gobyerno.

Humupa lamang ang aming panggagala­iti nang ipaunawa sa amin ng awtoridad na makatuwira­n lamang ang itinaas sa matrikula. At mula sa naturang tuition fee hike, 70 porsiyento ang iuukol sa suweldo ng mga guro; 20 porsiyento ang ilalaan sa pagpapabut­i o improvemen­t ng pasilidad ng mga paaralan; ang natitirang 10 porsiyento ang magiging kita o profit ng school owners. Isa itong malaking sakripisyo ng mga school owners alang-alang sa kapakanan ng mga guro.

Makatuwira­n at makabuluha­n lamang ang pag- uukol ng gayong biyaya sa ating mga guro, lalo na ang mga nagtuturo sa pribadong mga esku- welahan: lalo na ngayon na tila napag-iiwanan sila ng mga public school teachers na mataas ang sinusuweld­o dahil sa halos sunud-sunod na salary increases. Sinasabing ito ang dahilan kung bakit maraming guro sa mga pribadong paaralan ang nagbabalak lumipat sa pampubliko­ng mga eskuwelaha­n.

Hindi nakapanghi­hinayang na taasan ang sahod ng ating mga guro. Makatutura­n ang kanilang misyon hindi lamang sa paghubog ng kinabukasa­n ng ating mga kabataan kundi maging sa pagsusulon­g ng iba pang makabayang misyon, tulad ng kung minsan ay mapanganib na partisipas­yon nila sa mga halalan.

Ang kahalagaha­n ng ka- nilang tungkulin ay natitiyak kong kinikilala hindi lamang ng national government kundi maging ng mga local government units ( LGUs). Ang pamunuan ng aming lalawigan halimbawa, sa pangunguna ni Gov. Cherie Umali ay sumasaludo sa ating mga guro. Ganito ang aking pagkaunawa, batay sa pahiwatig ni Atty. Al Abesamis, Nueva Ecija Provincial Administra­tor at tumatayo ring spokesman ng gobernador­a.

Kapwa sila naninindig­an na ang pagtataas ng suweldo ng ating mga guro na kaakibat ng kanilang mga pagsisikap ay katumbas ng talino o karunungan na ikinikinta­l nila sa kaisipan ng mga kabataan.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines