Balita

Bianca at Miguel ‘di pa maisingit ang Japan trip

- Ni NORA V. CALDERON

TRABAHO muna saka na ang bakasyon. Ito ang goal ng magka-love team na Bianca Umali at Miguel Tanfelix.

Matatandaa­n na noong debut ni Bianca last March, isang round-trip ticket to Japan ang gift ni Miguel, dahil nasa bucket list daw kasi ng aktres ang makapunta ng Japan.

Hindi naman pumayag ang lola ni Bianca na sila lang ni Miguel ang magbiyahe, kaya kasama ng aktres ang dalawang pinsang babae.

“Pero saka na po iyon,” sabi nina Bianca at Miguel nang bumisita kami sa taping nila ng Kambal Karibal. “Mga malalaking eksena na po ang ginagawa namin ni Bianca at kailangan namin ang concentrat­ion para lalong mapaganda ang takbo ng story namin.”

Natanong ang dalawa na sila lang yata ang love team sa GMA na tuluytuloy ang pagtatamba­l. Among sa mga magkaka-love team, pinaghiwal­ay na ang Gab-Ru ( Gabbi Garcia at Ruru Madrid), at ang latest nga, sina Sanya Lopez at Rocco Nacino, na medyo personal yata ang reason kaya pinaghiwal­ay na sila.

“Thankful nga po kami ni Miguel na simula nang magtambal kami sa Basang Sisiw, tuluy-tuloy na po ang mga projects namin na hindi nagkakahiw­alay ang love team namin,” sabi ni Bianca. “Kami naman po kasi ni Miguel very comfortabl­e sa isa’t isa, at hindi kami nagpapadal­a sa pressure na dapat ipakita namin na kaming dalawa. Kung ano lamang po ang gusto ng audience sa amin, iyon ang ipinakikit­a namin.”

Balik sa bakasyon nila, kailan kaya sila matutuloy?

“Baka po kapag natapos na namin itong Kambal Karibal, makasingit na kami. Biro nga po namin, baka sa Europe na kami magbakasyo­n. But no, iyon po ang dream ni Bianca, gusto niya talagang pumunta ng Japan. Baka po maghintay na lamang kami ng right time,” sabi ni Miguel.

“Gusto po namin sana iyong may cherry blossoms, pero tapos na po ang season, kaya next year pa po iyon. Kaya siguro kung magkakaroo­n ng chance anytime this year, tutuloy na po kami,” dagdag pa niya.

Hindi pa raw nila alam kung hanggang kailan ang kanilang primetime series pero thankful sila na November 2017 pa sila nagsimula, pero umeere pa rin sila.

“Nakakatuwa po kasi, ang alam namin feeler lamang kami for one season, dahil hindi pa ready iyong dapat na papasok sa aming timeslot. Pero thank God, nagustuhan ng mga televiewer­s ang naiiba naming story at patuloy nila kaming sinusubayb­ayan. Hindi rin namin in-expect na isang malaking project ang kasabay namin pero pinipili kaming panoorin gabigabi ng mga netizens. Kaya maramingma­raming salamat po,” sabi pa nina Miguel at Bianca.

 ??  ?? Bianca at Miguel
Bianca at Miguel

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines