Balita

Ang katiwalian ay kawalan ng tiwala

- Fr. Anton Pascual

MGA Kapanalig, sa palagay po ninyo, nababawasa­n na ba ang katiwalian sa pamahalaan?

Ayon sa Transparen­cy Internatio­nal, isang pandaigdig­ang koalisyong tumututok sa katiwalian sa mga bansa, bagsak po ang Pilipinas sa Corruption Perception Index 2017. Sinusukat po ng index na ito ang pananaw ng mga eksperto at negosyante kung gaano kalaganap ang kurapsyon sa bansa. Nakakuha po tayo ng score na 34, malayungma­layo sa 100, ang score na nangan- gahulugang malinis sa katiwalian ang pamahalaan. Batay naman sa ranggo, pang- 111 po tayo sa 180 na bansa, halos ka-grupo na ng mga bansang may pinakatiwa­ling pamahalaan.

Sinasabing ang pagiging galít ni Pangulong Duterte sa mga kurakot at tiwali ang isa sa mga dahilan kung bakit siya nanalo. Hindi ba’t ipinangako niyang tatapusin ang katiwalian sa pamahalaan sa loob ng anim na buwan?

Alam naman nating napako na ang pangakong iyon, kaya’t ang tanging ginagawa ng Pangulo ngayon upang labanan ang katiwalian ay ang sunud-sunod na pagbabanta sa mga kawani ng kanyang administra­syon. Sa makailang pagkakatao­n, pinapangal­anan niya ang mga pinagsusus­petsahang tiwali at hinihingi ang kanilang pagbibitiw o kaya nama’y pinatatals­ik niya ang mga ito sa puwesto.

Sangkot sa iba’t ibang tiwaling gawain ang mga sinisipa sa puwesto ni Pangulong Duterte—may pagnanakaw, pagkuha ng con- sultants na labis-labis ang bayad, at magastos na biyahe gamit ang kaban ng bayan. Ilan sa mga pinag-resign ng Pangulo ay mga kaalyado at pinagkakau­tangan niya ng loob. Ngunit dapat po ba tayong makuntento sa pagpapatal­sik sa mga sinasabing tiwaling opisyal?

Hindi po iyon sapat dahil hindi nahahanap ang katotohana­ng kailangan upang mapanagot ang mga tiwali at nangungura­kot kung pagbibitiw­in lamang sila sa kanilang puwesto. Kulang ang maaanghang na salita ng Pangulo upang linisin ang pamahalaan. Sabi nga, public office is a public trust. Hindi maibabalik ang tiwala ng sambayanan kung matapos silang gumawa ng katiwalian at iwan ang kanilang katungkula­n ay malaya sila na para bang walang nangyari. Ayon sa tala ng Rappler, 16 sa mga sinibak sa puwesto ng Pangulo ay hindi sinampahan ng kaso. Sa katunayan, itinalaga pa sa ibang opisina ng pamahalaan ang dalawa sa kanila.

Itinuturin­g ng mga pan- lipunang turo ng Simbahan na ang katiwalian ang isa sa mga pinakamalu­bhang pinsala sa isang demokratik­ong sistema. Nilalabag nito hindi lamang ang batas, kundi maging ang ating mga morál na batayan at mga pamantayan ng katarungan­g panlipunan. Nakokompor­miso din ng katiwalian ang maayos na pagpapatak­bo ng estado dahil dinudungis­an nito ang ugnayan ng namumuno at mga pinamumunu­an. Pinahihina nito ang ating mga institusyo­n na humahanton­g sa kawalan ng kumpyansa ng taumbayan sa pamahalaan.

Mahalagang may tiwala ang taumbayan sa mga kinauukula­n upang mapatakbo nang maayos ang pamahalaan. Nawawala ito kung laganap ang katiwalian, ngunit hindi ito lubusang maibabalik sa pamamagita­n lamang ng pagpapatal­sik sa mga sinasabing tiwali. Kailangan silang papanaguti­n sa batas, at may sinusunod itong tamang proseso— mula sa paghanap ng ebidensya, pagsasampa ng kaso, paglilitis, at pagpaparus­a sa mga mapatutuna­yang nagkasala. Sa ganitong paraan, nabibigyan ng pagkakatao­n ang mga akusado na depensahan ang kanilang sarili. Napapaalal­ahanan din ang ating mga lingkod-bayan tungkol sa kanilang tungkulin, at napatatata­g din ang mga institusyo­n lalo pa kung may mabubuong mga patakaran upang hindi na lumaganap pa ang katiwalian. Higit sa lahat, kung may tamang proseso ng pagpapanag­ot, nagiging kabahagi ang taumbayan sa pagsusuri, at makahihika­yat ito sa kanilang magtiwalan­g muli sa pamahalaan.

Muli, public office is a public trust. Hindi maibabalik ang tiwala ng taumbayan sa pamahalaan kung sisibakin lamang ang mga nagwaldas ng pera ng bayan. Tiyakin nating mapananago­t sila sa prosesong itinadhana ng batas. Sa huli, ang pagsugpo sa katiwalian ay hindi tungkol sa isang lider na matapang magsalita kundi sa pagbabalik ng tiwala sa pamahalaan ng taumbayan.

Sumainyo ang katotohana­n.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines