Balita

‘WAG PURO GADGET!

DepEd chief sa mga estudyante:

- Ni MARY ANN SANTIAGO

Pinayuhan kahapon ni Department of Education (DepEd) Secretary Leonor Briones ang mga mag-aaral na huwag puro gadget ang atupagin, lalo na ngayong nagbalikes­kuwela na sila.

Sa kanyang talumpati kahapon sa Quezon City High School, umapela ang kalihim sa mga estudyante na buklatin ang kanilang mga libro at magsumikap sa kanilang pag-aaral.

Mabilis, aniya, ang pagbabago ng panahon, at para makasabay dito ay kinakailan­gang mag-aral at magbasa ang mga mag-aaral, nang higit pa sa itinuturo at takdang-aralin na ibinibigay ng kanilang mga guro.

Batid nito na nakatatama­d na magbitbit at magbasa ng libro, ngunit dapat aniyang ugaliin ng mga estudyante na magbasa ng mga aklat para madagdagan ang kanilang kaalaman.

Maaari naman aniyang maglaan din ng oras sa paggamit ng gadget, ngunit dapat ay may sapat na panahon ang mga estudyante sa pag-aaral para sa kanilang kinabukasa­n.

Kaugnay nito, pinaplano na ngayon ng pamahalaan na magpatupad ng computeriz­ation program para na rin mabawasan ang mga librong binibitbit ng mga estudyante.

Gugugulan, aniya, ito ng mahigit sa P8 bilyon ng pamahalaan.

Tiniyak din ni Briones na patuloy na tinutuguna­n ng DepEd ang iba pang problemang kinakahara­p ng mga mag-aaral tuwing pasukan.

Binanggit din ng kalihim ang kakulangan ng mga silid-aralan kaya pinag-aaralan na ng DepEd ang pagtatayo ng kabuuang 85,000 silidarala­n ngayong taon.

Una nang tinaya ng DepEd na aabot sa 27.7 milyon ang papasok ngayong SY 2018-2019.

 ?? KEITH BACONGCO ?? PARA SA KINABUKASA­N Anim na kilometro ang nilalakad ng mga estudyante­ng Lumad, matapos na tumawid sa ilog, bago makarating sa kanilang paaralan sa Bgy. Bentangan sa Carmen, North Cotabato kahapon, ang unang araw ng balik-eskuwela.
KEITH BACONGCO PARA SA KINABUKASA­N Anim na kilometro ang nilalakad ng mga estudyante­ng Lumad, matapos na tumawid sa ilog, bago makarating sa kanilang paaralan sa Bgy. Bentangan sa Carmen, North Cotabato kahapon, ang unang araw ng balik-eskuwela.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines