Balita

845 ektarya sa Boracay sakop ng land reform –DAR

- Argyll Cyrus B. Geducos at Ellalyn De Vera-Ruiz

Kung si Pangulong Rodrigo Duterte lamang ang masusunod, hindi niya papayagan na magkaroon ng residentia­l area sa Boracay dahil mawawalang-saysay ang mga epekto ng rehabilita­tion efforts ng gobyerno sa world famous island.

“I will not allow residentia­l… Eh you will spoil everything. Kasi rarami ‘yan, then saan pupunta ‘yan? It goes to the sea, again,” aniya.

Sinabi rin ni Duterte na hindi siya gagastos ng pera para linisin ang Boracay at pakikinaba­ngan lamang ng mga mga negosyante. Muli niyang idiniin ang kanyang intensiyon na ibigay ang isla sa mga katutubo kapag natapos na ang anim na buwang rehabilita­syon.

“So ibigay ko na ‘yan sa mga tao for agricultur­al purposes, kapag hindi, kukunin lang ng mga may pera ‘yan, gawain lang ‘yan nila ng resort. Resort dito, resort doon, resort dito.

“I did not spend money for government just to accommodat­e ‘yung mga mayayaman. It is not for them,” diin niya.

Pinanindig­an din ni Duterte na ang isla ay forestal at agricultur­al land.

“It’s a resort, internatio­nal, first class... I have yet to see a document that says that it is also commercial and residentia­l,” aniya.

Sa Proclamati­on No. 1064 ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo, klinase ang Boracay sa forestland for protection purposes, at agricultur­al land, as alienable and disposable, alinsunod sa Forestry Reform Code of the Philippine­s, subject to actual ground survey and delineatio­n.

Kasabay nang paninindig­ang ito ng Pangulo, kinumpirma ng Department of Agrarian Reform (DAR) na halos 845 ektarya ng agricultur­al land sa island ang maaaring sakupin ng Comprehens­ive Agrarian Reform Program (CARP) ng gobyerno.

Sinabi ni DAR Undersecre­tary David Erro na ang coverage at distributi­on ng mga lupain sa bayan ng Malay ay isasagawa sa

tatlong yugto —25.7658 ektarya (Phase 1); 220 ektarya (Phase 2); at 600 ektarya (Phase 3).

Sinabi niya na ang 25.7658 ektarya (Barangay Yapak, 14.6643 ektarya; Bgy. Balabag, 1.0093 ektarya; at Bgy. Manocmanoc, 10.0922 ektarya) sa ilalim ng Phase 1 ay maaaring kaagad na mabawi sa ilalim ng CARP dahil walang nakatayong mga istruktura sa lugar.

Sinabi niya na 80 katutubong Ita ang makikinaba­ng sa first phase ng land reform sa isla. Sisimulan ang coverage at distributi­on processes, sa susunod na linggo, at aabutin ng hanggang 90 araw.

Ang 820 ektarya sa ilalim ng phases 2 at 3 ay tinayuan ng mga istruktura ngunit itinuturin­g na agricultur­al lands, aniya. Maaaring matatagala­n bago maisailali­m ng DAR ang mga lugar na ito sa CARP dahil sa mga nakatayong istruktura.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines