Balita

Estrada, minura si Luy sa hearing

- Czarina Nicole O. Ong

Ni-reprimand kahapon ng Sandiganba­yan Fifth Division si dating Senator Jose “Jinggoy” Estrada matapos siyang gumamit ng mga vulgar na salita sa pagdinig ng kanyang kasong plunder kaugnay sa pork barrel scam.

Tinatanong ni defense lawyer Paul Mar Arias ang whistleblo­wer na si Benhur Luy nang hindi mapigilan ni Estrada ang sarili at sumigaw ng “gago”.

Kagaad siyang sinita ni Fifth Division Chairperso­n Associate Justice Rafael Lagos. “Mr. Estrada, don’t make any side comment. I will cite you in contempt,” babala ng hukkom.

Kaagad namang nag-sorry si Estrada sa korte.

Kinasuhan si Estrada ng plunder kaugnay sa ilegal na paggamit ng kanyang P183 milyon priority developmen­t assistance fund (PDAF), na diumano’y napunta sa mga oaken non-government organizati­ons (NGOs) ni Janet Lim Napoles.

Sa kanyang testimonya, inamin ni Luy na ang kanyang mga pahayag kaugnay kay Estrada ay batay lamang sa mga naikuwento sa kanya ni Napoles.

Matapos ang pagdinig, sinabi ng mga abogado ni Estrada na sinisikap nilang patunayan na mali ang mga pahayag ni Luy at “kaduda-duda anbg mga computatio­ns mula sa kanilang ledgers kaugnay sa mga kickbacks.

Ipinaliwan­ag naman ni Estrada na namura niya si Luy dahil nabuwisit siya sa mga pinagsasab­ing kasinungal­ingan nto.

“Hindi ko naman kilala ‘yan eh, dugtong niya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines