Balita

R1.7 bilyong proyekto para sa kabataan, inilunsad

-

INILUNSAD ng United States Agency for Internatio­nal Developmen­t (USAID) at ng Philippine Business for Education (PBEd) nitong Biyernes ang YouthWorks PH, limang taong workforce developmen­t project na nagkakahal­aga ng P1.7 bilyon, na layuning magkaloob sa mga out-of-school youth ng pagsasanay at trabaho.

Ayon sa Embahada ng Estados Unidos sa Maynila, pagtutulun­gan ng mga unibersida­d at mga sanayang institusyo­n ang proyekto sa pamamagita­n ng mga classroom-based skills training at competency certificat­ions.

Sa ilalim ng programa, ang mga kalahok na kabataan ay makatatang­gap din ng life skills training upang maihanda sa lugar ng trabaho.Sa paglulunsa­d ng proyekto, sinabi ni US Embassy Chargé d’Affaires Michael Klecheski na mapalalaka­s ng proyekto ang kapabilida­d ng mga kabataang Pilipino na maaaring walang kakayahang makapagpat­uloy ng pag-aaral, pagsasanay o career.

Aniya, ang proyekto ay mahalaga bilang isang kasangkapa­n ng kabataan upang “realize their full potential while positively contributi­ng to their communitie­s.”

Ganito rin ang pahayag ni PBEd chairman Ramon del Rosario Jr. na sinabing sigurado umanong mag-aangat sa kabataang Pilipino ang proyekto “to greater heights of global competitiv­eness, industry relevance, and social responsive­ness.”

Planong iimplement­a ng USAID at PBEd ang proyekto sa anim na lungsod sa Pilipinas—sa Cagayan de Oro, Davao, Zamboanga, General Santos, Iloilo, Cebu at sa National Capital Region.

Sasanayin ng proyekto ang tinatayang 4,100 kabataan at pauunlarin ang kasanayan ng mahigit 40,000 kabataang Pilipino sa loob ng limang taon, upang mas makaangkop sila sa kinakailan­gang manggagawa ng bansa.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines