Balita

Marapat na lutasin ng SC ang legal na kontrobers­iyang ito

-

SA panahon ng administra­syong Marcos, naglabas ang pangulo ng Presidenti­al Decree (PD) No. 478 na nagtatakda ng Kapangyari­han at Tungkulin ng Office of the Solicitor General, na nagpapahin­tulot sa OSG na makatangga­p ng allowance at honoraria para sa ibinigay nitong serbisyong legal sa mga kliyente nitong ahensiya. Sa pagkawala ng Kongreso sa panahon ng batas militar, nagsilbing batas ng bansa ang inihaing PD ni dating Pangulong Marcos.

Noong Abril 25, 1985, inilabas ng Commission on Audit (CoA) ang Circular 8525-E na naglilimit­a sa allowance ng gobyerno sa 50 porsiyento ng suweldo ng empleyado.

Noong Marso 30, 2007, ipinatupad ng Kongreso ang Republic Act (RA) 9417, isang kautusang nagpapatib­ay sa Office of the Solicitor General, na muling nagsasabi na maaaring makatangga­p ng allowance at honoraria ang mga abogado ng OSG para sa serbisyo ibinibigay sa mga kliyente ng ahensiya.

Nito lamang Hunyo 1, 2018, inilabas ng CoA ang isang audit report sa opisina ng Solicitor General, na naglalahad na si Solicitor General Jose Calida at iba pang abugado ng OSG ay nakatangga­p ng labis na allowance at honoraria noong 2017 at inuutusan silang ibalik ang kabuuang P10,774,283 sa pamahalaan.

Sa kabuuang ito, sinabi ng CoA na nakatangga­p si Calida ng P8.37 milyon sa kabila na P913,950 lamang ang nararapat niyang makuha, na umaayon sa 50% niyang suweldo kada taon. Binanggit ng CoA ang Circular 8525-E na naglilimit­a sa 50% na allowance.

Labing-apat pang abugado ng OSG ang nakatangga­p nang mas mababang halaga base sa ulat ng CoA. Umaabot sa P837,252 hanggang P9,394 ang umano’y labis na halagang kanilang natanggap noong 2017.

Mariing itinanggi ni Solicitor General Calida ang ulat ng CoA, na sinabing hindi kayang manaig ng isang administra­tibong sirkular laban sa isang batas.

Isa itong legal na isyu na nararapat lamang na masolusyun­an. Ang sinasabing limitasyon ng CoA ay hindi matatagpua­n sa batas, tulad ng ipinupunto ni Calida. Ngunit nilalabag ba nito ito?

Sa anumang legal na kontrobers­iya, ang bagay na ito ay kailangang mapunta sa Korte Suprema upang mapagdesis­yunan. Sa Korte Suprema kung saan nanalo kamakailan si Solicitor General Calida sa kaso ng quo warranto na kanyang inihain laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

May kaiba sa isyu, ilang opisyal ang natatanong sa kaangkupan ng sinumang kawani ng gobyerno na nakakukuha ng allowance sa milyong halaga—sa kasong ito, P8.97 milyon noong 2017, apat na beses na mas malaki sa kanyang taunang kita.

Ngunit bago ito, pinakamabu­ting gawin ang lutasin ang legal na kontrobers­iya, dahil baka may iba pang mga kaso sa pamahalaan na hindi pa nailalanta­d. Kapwa naninindig­an ang CoA at OSG sa kanilang pahayag. Marapat na lutasin ng Korte Suprema ang isyung ito.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines