Balita

2nd Eddy Awards nominees, nagsama-sama

- Nora V. Calderon

TAGUMPAY TAG ang 2nd Eddys ( Entertainm­ent En Editors’ Choice) Choic ng SPEED (Society of Entertainm­ent E Editors of the t Philippine­s), sa pakikipagt­ulungan paki ng Film Developmen­t Dev Council of the Philippine­s P (FDCP), na ginanap ginan sa Valencia Events Place in Quezon City last Sunday Sunday, June 3, 2018. Personal Pers na ipinamahag­i ng mga opisyal opi ng SPEED, headed by its President Pre Ian Fariñas, at ng FDCP, ni Chairman C Liza Diño, ang certificat­es of nomination. Host ng gabing iyon ang Kapuso actress na

si Rhian Ramos.

Nakasaad sa invitation na 5:00 p.m. ang event, at true to his name, maaga ngang dumating si Aga Muhlach, isa sa nominees sa Best Actor category. Kaya ang inabutan pa lamang niya roon ay si Rhian at ang mga opisyal ng SPEED.

Iyon nga lamang, may previous appointmen­t pala si Aga, kaya nakitsika lang at nagpa-picture siya sa mga naroon at kinailanga­n na rin niyang umalis agad matapos niyang tanggapin ang certificat­e of nomination for his movie Seven Sundays.

Kasama siyempre si Aiza Seguerra, sinabi ni Liza na nakipagtul­ungan ang FDCP sa SPEED dahil nakita raw niya ang presentati­on ng first Eddy Awards kaya natiyak nilang isa ito sa credible award-giving body.

Dumating din si Edgar Allan Guzman, nominated Best Actor for Deadma Walking; si Sid Lucero, Best Supporting Actor for Smaller and Smaller Circles; Dido

dela Paz for Respeto; at Arnold Reyes for Birdshot. Hindi man nakarating ang ibang nominees, represente­d naman sila ng kani-kanilang production company. Guest performers sina Dessa, Katrina “Suklay Diva”

Velarde, at Hazel Faith. Guest din ang mahusay na violinist, ang 16-year old na si Michaela Torres.

Ang awards night para sa 2nd Eddys ay magaganap sa susunod na buwan, sa pakikipagt­ulungan ng FDCP at ng Globe with Senior Vice President Yoly

Crisanto. Ididirehe ito ni Paolo Valenciano. Ang Globe Studios ang major presenter, habang ang Wish naman ang hahawak sa production.

Pagkatapos ng awards night, magkakaroo­n ng bonggang after-party na tatawaging “The Eddys Mega Party”, sa pangunguna ng OneMega Group.

 ?? Aga at Rhian ??
Aga at Rhian

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines