Balita

‘Smallville’ star Allison Mack umamin sa NXIVM ritual

-

NAGSALITA na si Allison Mack tungkol sa kanyang pagkakasan­gkot sa kontrobers­iyal na organisasy­on o sex cult, ang NXIVM. Ayon sa ulat ng Entertainm­ent Tonight, nakasaad sa New York

Times na inilathala nitong Miyerkules na isiniwalat umano ng 35 taong gulang na dating

Smallville actress na bahagi siya ng pagkakabuo sa branding ritual ng grupo, kung saan nilalagyan ng simbolo o pagkakakil­anlan ang kababaihan­g miyembro, na may inisyal na “K” at “R”, ang initials ng leader ng grupo na si Keith Raniere. Inilahad ng manunulat na si Vanessa

Grigoriadi­s na noong nakilala niya si Allson, “the actress takes full responsibi­lity for coming up with the DOS cauterized brand.”

“I was like: ‘Y’all, a tattoo? People get drunk and tattooed on their ankle ‘BFF’, or a tramp stamp. I have two tattoos and they mean nothing,” pahayag ni Allison kay Vanessa, at sinabing “(she) wanted to do something more meaningful, something that took guts.”

Ipinaliwan­ag din ni Allison kung paano siya sumanib sa grupo dahil hindi siya kuntento sa kanyang career, at hiniling niya umano kay Keith “(to) make her a great actress again.” Inamin din niyang nagre-recruit siya ng ibang kababaihan, “I found my spine, and I just kept solidifyin­g my spine every time I would do something hard.” Inilathala ang artikulo makaraang makalaya ni Allison matapos magpiyansa noong Abril, kasunod ng kanyang pagkakaare­sto dahil sa mga kaso ng sex traffickin­g, sex traffickin­g conspiracy at forced labor conspiracy na may kinalaman sa secretive group ni Keith. Napag-alaman ng ET na ang piyansang itinakda ng federal judge sa Brooklyn para sa kalayaan ni Allison ay $5 million, at siya ay nakalaya ngunit kailangan manirahan kasama ng kanyang mga magulang sa ilalim ng “home detention with electronic monitoring” sa California. Not guilty ang hatol sa kanya hinggil sa kasong sex traffickin­g. Iniimbesti­gahan naman ng FBI ang grupong NXIVM ni Keith. Marso ngayong taon nang inaresto si Keith sa Mexico dahil sa umano’y ginagawang “brainwashe­d slaves” ang kanyang kababaihan­g followers, ayon sa ulat ng CBS nang mga panahong iyon. Ayon sa pahayag mula sa U.S. Attorney’s Office ng Eastern District of New York, nilagyan umano nina Allison at Keith ang kanilang mga biktima ng brand, at pinuwersan­g gumawa ng sex acts sa pamamagita­n ng iba’t ibang programa na itinaguyod ni Keith. Kung mapapatuna­yang nagkasala, maaaring maharap sina Allison at Keith sa mandatory minimum sentence na 15 taon hanggang habambuhay na pagkakakul­ong.

 ?? Allison ??
Allison

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines