Fil-Chinese Day, isinulong ng FFCCIA at FCAAF
PINATITIBAY ng sports ang ugnayan ng mga bansa o anumang organisasyon.
Kung kaya’t sa ika- 117th anibersaryo ng FilipinoChinese Friendship Games, mas maraming sports ang isinama para sa isang buwang pagdiriwang sa isa sa makasaysayang kaganapan sa bansa.
“Even before the Spanish colonialism, may ugnayan na ang Filipino at Chinese through trading. Sa pagusad ng panahon, mas naging matibay ang samahan ng dalawang bansa dahil sa pagkakaisa at pagbibigay ng respeto sa isa’t isa,” pahayag ni Federation of Filipino- Chinese Chambers of Commerce and Industry Inc. ( FFCCCI) President Domingo H. Yap sa opening ceremony ng badminton competition nitong weekend sa Rizal Memorial Badminton Center.
“The Chinese community are very thankful dahil sa mas matibay na samahan ngayon ng Pilipinas at China sa business, trading, food security, maritime and of course sa sports. Sa sports, lulusog na ang ating mga katawan at kaisipan, masaya pa sa bonding,” aniya.
Kasama ni Yap sa opening ceremony sina Filipino-Chinese Amateur Athletic Federation ( FCAAF) President William Gosiaco at Chinese Consul General and Counsellor Lou Gang.
Mas naging handa ang FCAAF team, sapat para maagawan ng korona ang Philippine Sports Commision ( PSC) badminton team.
May kabuuang walong sports ang lalaruin sa buong buwan ng Hunyo, kabilang ang golf, cycling, table tennis, tennis, at basketball.