Balita

Kyline, puro pasabog

- Nitz Miralles

IPINARATIN­G

namin kay Kyline Alcantara ang panawagan ng kanyang fans, na kung tawagin niya ay Sunflowers, na hindi siya dapat nagmamadal­ing magdalaga.

Napapansin kasi ng fans ni Kyline na madalas na pangdalaga na ang mga isinusuot niya, gayung 15 years old pa lang siya.

Nangako naman si Kyline na ‘pag off-camera ay pang-kinse anyos at bagay lang sa kanyang edad ang kanyang mga isusuot. Pero kapag on-cam, o ‘yung nagtatraba­ho siya, ay hindi maiwasang magsuot siya ng medyo hindi bagay sa edad niya, dahil sa role na kanyang ginagampan­an. In fairness sa Kambal

Karibal, wala pa namang ipinasuot kay Kyline ang production na ipagre- react ng kanyang supporters. Wala rin silang reklamo sa role at sa karakter nitong si Cheska, dahil she’s playing a role na nagagampan­an naman niya nang maayos.

Anyway, may magandang balita si Kyline sa supporters niya na tiyak kanilang ikatutuwa.

“To all my Sunflowers, please watch out for my upcoming album. Magre-record na kami this June and I’m so excited, thank you, guys, so much,” pagbabalit­a ni Kyline.

Sa interview namin kay Kyline sa taping ng Kambal Karibal, nabanggit na inaayos na ang schedule ng recording ng kanyang album. Five songs ang nasa album, may three revivals and two originals, na para walang spoilers ay hindi binanggit kung anu-ano ang mga ito. Nag-suggest kaming isama sa album ang Grow

Old With You, duet nila ni Jeric Gonzales, dahil siguradong matutuwa ang kanilang fans. Kinanta ni Kylie ang ilang lines ng song na theme song ng The Wedding Singer, at kinanta ni Adam Sandler sa pelikula. Bukod sa album, may birthday concert din si Kylie na produced ng GMA Records. Nanalo kasi ang fans ni Kyline sa challenge ng GMA Records na ‘pag umabot sa 50,000 ang subscriber­s at 1 million views sa song niyang Sundo ay ipoproduce nila ito ng concert. Na-hit na ang 50,000 subscriber­s at malapit nang ma- achieve ang one million views, kaya matutuloy ang concert ni Kyline.

September 3 ang birthday ni Kyline, at naka-schedule sa September 1 ang concert niya, na sana ay matuloy. May tsika pa kami na may inihahanda na ring Valentine concert kay Kyline, kasama ang isang singer-actress.

 ??  ??
 ?? Kyline ??
Kyline

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines