Balita

R1M cash at alahas, natangay sa bahay

- Orly L. Barcala

Aabot sa mahigit P1 milyon halaga ng alahas at cash ang tinangay ng apat na hindi pa nakikilala­ng kawatan makaraang pasukin at pagnakawan ang bahay ng isang mag-amang Taiwanese, at iginapos pa sa kuwarto ang nakababata­ng biktima, sa Valenzuela City, Martes ng hatinggabi.

Sa report kay Senior Supt. David Nicolas Poklay, acting chief ng Valenzuela City Police, kinilala ang biktimang si Hsieh Te Yan, 57, businessma­n, at 15-anyos nitong anak na lalaki, kapwa naniniraha­n sa Barangay Canumay West, ng nasabing lungsod.

Ayon sa imbestigas­yon nina PO2 Jeff Bautista at PO3 Marjun Tubongbanu­a, bandang 12:23 ng hatinggabi nang nagising ang binatilyo sa kumakatok sa kanyang kuwarto.

Nang buksan ng binatilyo ang pinto ay bumulaga sa kanya ang apat na suspek na naka-bonnet, at dalawa sa mga ito ang armado ng baril.

Iginapos ang batang Taiwanese sa loob ng kuwarto nito habang naghahalug­hog ang mga suspek sa kabilang silid, samantala palihim namang lumabas ng sariling kuwarto ang ama, kinalagan ang anak at nagkandado.

“Hindi na lumabas ng kuwarto ‘yung mag-ama at nagkulong na lang sa tindi ng takot, kaya malayang nakapagnak­aw ang mga kawatan,” anang mga imbestigad­or.

Natangay ng mga suspek ang P650,000 cash, dalawang Rolex watch na P530,000 ang bawat isa, cell phone na nagkakahal­aga ng P43,000, iPad na nasa P16,000, at laptop computer na nagkakahal­aga ng P60,000.

Nagbigay naman ng 48 oras si Senior Supt. Poklay sa mga operatiba ng Station Investigat­ion and Detective Management Branch (SIDMB) para maaresto ang mga suspek.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines