Balita

Alden, walang stunt double

- Ni NORA V. CALDERON

NAPANOOD ng friend namin ang taping ni Alden Richards sa isang palengkeng malapit sa kanila. Humanga at nag-enjoy daw siyang panoorin ang Pambansang Bae na nagpatalun-talon sa mga stalls sa palengke, na bahagi ng action scenes sa upcoming actiondram­a-fantasy series niyang Victor Magtanggol.

Napansin din ng friend namin na si Alden talaga ang gumagawa ng action scenes, at minsan daw ay naaawa siya kapag nasasaktan ang aktor, na hindi naman maiiwasan dahil nga itong double.

“As much as possible po kasi, lahat ng stunts ako ang gagawa. Ayaw kong magpa-double kung hindi naman ganoon ka-risky ang eksena,” sabi ni Alden sa interview sa kanya sa “Chika Minute” ng 24 Oras.

“Kung noon po kasi, typical lang ang mga fight scenes na nagagawa ko, dito kakaiba. Kaya talagang kumuha po ako ng training sa parkour at nagagamit ko ito ngayon,” kuwento ni Alden.

“Inaamin ko pong nakakapago­d din kapag sunud- sunod ang eksena, pero kapag love mo ang ginagawa mo, hindi mo papansinin ang pagod, kasama ito sa trabaho namin.

“Nang tanggapin ko po kasi ang project na ito at mabasa ang role ni Victor Magtanggol, na puno ng drama, aksiyon at adventure na nararanasa­n ng bawat Pilipino, na-in love na ako sa project. Nag-promise ako kay Direk Dominic Zapata at sa production na gagawin ko ang lahat sa ikagaganda ng serye naming,” sabi pa ni Alden.

Bantay-alaga raw naman si Direk Dom, na sanay na sanay nang mag-handle ng action projects sa GMA Network. Alam ng direktor kung kailan papayagan si Alden na walang double sa eksena, dahil bago ang take, pinag-uusapan na nila kung ano ang gagawin.

 ??  ??
 ??  ?? Alden
Alden

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines