Balita

Julie Anne at Benjamin, going stronger

- Ni NORA V. CALDERON

KAHIT busy sa taping ng My Guitar Princess, ang morning romanticdr­amedy ni Julie

Anne San Jose sa GMA 7, may time pa rin siyang gumawa ng ibang shows.

Bukod sa morning serye, nasa Sunday

PinaSaya rin si Julie Anne every Sunday, at ngayon ay busy siya preparing para sa third leg ng 3 Stars 1

Heart concert nila nina Regine VelasquezA­lcasid at Christian Bautista sa June 16, sa Dubai World Trade Center. Biniro namin si Julie Anne na ngayon na pala mapapanood sa My Guitar Princess ang kissing scene nila ng katambal na si Gil Cuerva. Mabuti at pumayag siyang gawin iyon.

Humingi pa ba siya ng permiso sa boyfriend niyang si Benjamin Alves?

“Kailangan po sa eksena, eh,” nakangitin­g sagot ni Julie Anne. “No problem naman po sa akin, hindi ko na rin kailangang magpaalam. Alam na po iyon ni Benj. Kasama sa trabaho namin iyon.”

Julie Anne just turned 24 last May 17, so hindi na nga issue kung mayroon siyang ganoong eksena. Hindi pa raw niya alam kung magkakaroo­n din sila ng kissing scene ng isa pa niyang katambal sa serye na si Kiko Estrada.

Between Gil at Kiko, si Gil as Elton ay childhood friend ni Celina (Julie Anne) at ito ang nagturo sa kanya na tumugtog ng gitara. Nag-abroad ang family ni Elton at pagbalik sa Pilipinas ay isa na itong “Prince Charming of Pop”, na na-in love agad sa boses ng Guitar Princess. Alam nitong iyon ang kababata kahit naka-maskara ito kapag kumakanta.

Si Kiko naman, as Justin, ang naging supporter ni Celina sa kagustuhan niyang kumanta, at nakakaalam din ng lihim ng Guitar Princess. Tagapagtan­ggol din ng dalaga si Justin sa mga maldita, ang wicked sisters nito, hanggang sa na-in love din si Justin kay Celina.

Going back to Benjamin, may reklamo ang fans ni Julie Anne. Bakit daw nila-like ni Benjamin ang posts ng ibang artistang babae?

“No issue po sa akin iyon, kahit naman ako nila-like ko rin ang ibang artistang lalaki, wala namang sinasabi si Benj. Mahirap po lang talaga sa mga celebritie­s na tulad namin na very thin line ang pagitan sa aming public life at private life. Kaya nga po may ibang naghahandl­e ng social media ko at hindi ko na alam kung ano ang mga bashings nila sa akin, ang may hawak na ng socmed ko ang nagde-delete o nagba-block ng mga nababasa nilang hindi maganda,” paliwanag ni Julie Anne.

Sa June 14 ang alis nina Julie Anne, Christian, at Regine for Dubai at June 17 pa ang balik nila rito. Ang My Guitar Princess naman ay napapanood daily bago ang Eat

Bulaga sa GMA 7.

 ??  ??
 ??  ?? Julie Ann at Benjamin
Julie Ann at Benjamin

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines