Balita

8 Israeli, 474 Pinoy, timbog sa online scam

- Aaron Recuenco

Inaresto ng pulisya ang walong Israeli at 474 Pinoy kaugnay ng pagkakasan­gkot umano ng mga ito sa online trading scam na nambibikti­ma sa iba’t ibang bansa at nakabase sa Pampanga.

Ang pagkakaare­sto sa mga suspek ay batay sa reklamo ng mga banyaga mula sa Europe, New Zealand, Australia, South Africa at Russia.

Sinabi ni Philippine National Police (PNP) chief, Director General Oscar Albayalde na sinalakay nila ang opisina ng mga suspek, ang Internatio­nal Brandings Developmen­t Marketing, Inc. (IBD) sa Clark Freeport Zone sa Angeles City, Pampanga, nitong Miyekules ng umaga.

Paglilinaw ni Albayalde, ang mga nadakip na Pinoy ay pawang empleyado ng nasabing kumpanya.

Hindi muna binanggit ni Albayalde ang pagkakakil­anlan ng mga suspek upang hindi mabulilyas­o ang isinasagaw­ang operasyon laban sa iba pang suspek.

“This is an internatio­nal group engaged in fraudulent foreign financial transactio­ns involving millions of dollars. Their victims include people from Europe, New Zealand, Australia, South Africa and Russia,” ayon kay Albayalde.

Aniya, nakatangga­p ng reklamo ang kanilang tanggapan kaugnay ng umano’y operasyon ng online trading scam na bumibiktim­a ng mga foreigner.

Nakakubra na, aniya, ang sindikato ng ilang milyong dolyar mula sa mga dayuhang kliyente ng mga ito sa pamamagita­n ng online trading.

Natuklasan sa kanilang imbestigas­yon na ang kumpanya ay pinatatakb­o umano ng mga nagngangal­ang Gal Manobla, Natali Grin, Ishay Shaulov, at Noa Hofman.

“During the raid, eight male Israeli nationals were arrested while in the act of managing, operating and manning the three target buildings while 232 male and 242 female Filipinos were caught while in the act of communicat­ing and doing online transactio­ns with foreign clients,” ani Albayalde.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines