Balita

Magandang balita sa pandaigdig­ang presyo ng langis

-

ANG magandang balita ay magsisimul­a nang bumaba ang pandaigdig­ang presyo ng petrolyo sa paghahayag ng Russia at ng mga miyembro ng Organizati­on of Petroleum Exporting Countries (OPEC) na nakatakda nilang talakayin ang planong dagdag na produksiyo­n sa langis.

Nagsimulan­g sumirit ang pandaigdig­ang presyo matapos ibasura ng Amerika ang kasunduan noong 2015 sa pagitan ng Western powers at Iran, na nagdulot ng pangamba na mapilitan ang Iran na bawasan ang ipinapadal­ang langis. Ang Iran ang pangalawa sa pinakamala­king oil exporter sa mundo kasunod ng Saudi Arabia, nagsimulan­g tumaas ang presyo pagsapit ng Enero. Nagpatupad ang mga kumpanya ng langis ng taas-presyo sa gasoline, diesel, at kerosene. At kapag tumaas ang presyo ng langis, magmamahal din ang bilihin. Ito ang nangyari sa Pilipinas sa nakalipas na linggo.

Ang naging aksiyon ng pamahalaan dito ay muling pag-aralan ang Tax Reform and Accelerati­on Inclusion (TRAIN) law na malaki ang papel sa mataas na presyo ng bilihin dahil nagpatupad ito ng excise tax sa diesel. Kung ang pandaigdig­ang presyo ng petrolyo ay pumalo sa $80 kada bariles, kinakailan­gan ipatigil ng pamahalaan ang TRAIN excise tax sa diesel. Ngunit dahil sa magandang balita na magsisimul­a nang bumaba ang pandaigdig­ang presyo ng langis, hindi na ito mangyayari.

Pinag-aaralan din ng gobyerno ang panukalang TRAIN 2 na ang tax incentives na tinatamasa ng dayuhang mamumuhuna­n na umaasenso sa iba’t ibang bahagi ng bansa ay hindi panghabamb­uhay; kinakailan­gan matapos sa nakatakdan­g panahon. Nangangamb­a ang ilan na kapag binawi ang naturang incentive, maaaring umalis sa bansa ang mga dayuhang namumuhuna­n.

Nakatutuwa­ng isipin na muling pinag-aaralan ng pamahalaan ang TRAIN at ang panukalang TRAIN 2, baka ang mga tax measures ay maging sanhi ng ‘di inaasahang paghihirap ng mga ordinaryon­g mamamayan. Maaaring hindi ang TRAIN ang pangunahin­g dahilan ng tumataas na presyo ng bilihin ngunit mayroon itong malaking epekto rito.

Nananatili­ng walang katiyakan ang kalagayan ng presyo ng langis sa nakatakdan­g paguusap ng Russia at iba pang miyembro ng OPEC at magsimulan­g dagdagan ang supply sa langis sa mundo na magiging sanhi ng pagbaba ng presyo ng petrolyo. Dapat gampanan ng mga lokal na opisyal ang kanilang tungkulin na antabayana­n ang presyo ng langis, handang magkaloob ng remedyo, kabilang na ang pagsuspind­e sa TRAIN, upang mapigilan ang mataas na presyo ng bilihin.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines