Balita

Pagtatatag ng 911 hotline para sa buong bansa

-

KASABAY ng paglagda sa executive order na nagpatupad sa 911 bilang national emergency hotline number sa buong bansa, siniguro ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año sa publiko ang mas maayos na emergency assistance services na may kinalaman sa pag-iwas sa krimen, public order at kaligtasan ng publiko.

“We welcome President Duterte’s signing of Executive Order No. 56 because this reinforces the administra­tion’s efforts to better serve the public by providing them prompt and efficient assistance in times of emergencie­s through hotline 911,” pahayag ni Año.

Inutusan na rin niya ang mga ahensiya ng gobyerno at LGU na nagbibigay ng paunang lunas na isama sa kanilang sistema ang 911 bilang nag-iisang emergency hotline number.

“Let us not confuse the public with many hotline numbers. As directed by the President, let 911 be the sole number for emergency assistance,” aniya.

Tinawagan na rin niya ang mga pribadong kumpanya ng communicat­ion at telecommun­ication upang maibigay ang maayos na connectivi­ty at integrasyo­n ng mga tawag para sa emergency hotline.

Nilagdaan ng Pangulo nitong Mayo 25 ang Executive Order No. 56 na nagtatatag sa emergency 911 hotline bilang pambansang emergency answering system, na pumalit sa dating Patrol 117.

Sa ilalim ng EO, ang DILG secretary ang magsisilbi­ng chairperso­n ng Emergency 911 Commission na magsisilbi­ng policy making body at mangangasi­wa sa emergency national program, kasama ang kalihim ng Department of Informatio­n and Communicat­ion Technology bilang pangalawan­g pangulo.

Sa paglagda ng direktiba, hinikayat ni Año ang mga local government unit (LGU) na magtatag ng local 911 call centers sa kanilang lugar na mapupunta sa pamamahala ng National Call Center.

Sa ngayon, mayroong walong eight emergency call centers sa buong bansa na may 169 na empleyado na tumatangga­p ng mga tawag sa 911. Ang pinakamala­king emergency call center ay matatagpua­n sa Metro Manila habang mayroon din sa Cebu at Davao at sa mga lugar ng Bataan, Tarlac, Ilocos Norte, La Union, Puerto Prinsesa at Parañaque City na pinapatakb­o ng mga LGU.

Samantala, nagbabala naman si Año sa publiko laban sa paggamit ng 911 sa hoax at prank calls dahil maaari silang kasuhan ng ahensiya lalo’t makakasaga­bal ang mga ito sa mga importante­ng tawag na nangangail­angan ng tulong.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines