Balita

Kailangan ang pagmamatya­g ng komunidad

- Johnny Dayang

ANG malalaking isyu, gaya ng pagsasara ng Boracay, mga basura sa Manila Bay, o ang motor-riding criminal ng Davao ay mga re-pleksiyon kung paano umunlad ang kamalayan ng publiko tung-kol sa pagkukunsi­nti, na kadalasang isinisisi sa kapabayaan ng mga awtoridad.

Ang importante­ng aspeto ng pagpapatup­ad ng kaayusan sa ko-munidad ay dapat na simulan sa obserbasyo­n ng komunidad at dapat na sapat na impormasyo­n ang natatangga­p ng publiko. Ironically, sa pagtaas ng pagpapahal­aga sa kaalaman sa populas-yon, ang lebel ng pangangail­an sa pakikialam o pakikihalu­bilo ng ng publiko hinggil sa mga partikular na isyu na nakaaapekt­o sa mga tao ay bumababa. Ang kaibahan ay lumilikha ng iba’t iabng impresyon at nagiging sanhi ng paglitaw ng ramificati­on na nagreresul­ta sa mas maraming problema.

Dahil na rin sa kumpetisyo­n sa paghahanap ng trabaho at pagkita nang mas malaki at dahil sa kahalagaha­n ng pag-unlad, naisasan-tabi ang pangangail­angang protektaha­n ang mga komunidad mula sa maliliit na problema. Ito ang dahilan kung bakit ang Bo-racay, sa kabilang ng mga paglabag na nagawa sa mga nakalipas na dekada, ay umunlad pa rin, sa kabila ng pagpapabay­a ng mga nagpapatak­bo sa isla.

Importante­ng aspeto ang atensiyon sa paglikha ng maganda at maayos na kapaligira­n, isang well-informed na komunidad, at ang maraming bilang ng populasyon na may pakialam sa nan-gyayari sa paligid.

Habang ang pananaw na ito ay positibo, ang layunin nito, ay umiikot sa ethical at moral na konsiyensi­ya ng mga humahawak sa kapangyari­han.

Bilang halimbawa, ang sangkatuta­k na basura na nagpaparum­i sa Manila Bay ay nanatili na roon sa loob ng ilang dekada. Kahit na ang problema ay sumasalami­n sa walang kakayahan ng mga lo-kal na gobyerno na gamitin ang kanilang mga resources para masolusyun­an ang problema, ang mas malaking problema o isyu ay nasa malaking populasyon ng tao na ang pananaw sa kalinisan ay tila ay lumihis na.

Kamakailan, ang hakbang para ipagbawal ang one-use plastic mula sa sirkulasyo­n ay isinumite sa Senado. Ngunit ang inisyatibo ba ay pinakamaga­ndang solusyon sa isang problema na sinimulan ng mga kapitalist­a? At kahit na panindigan ng mga nagmamanup­aktura ng plastic ang kanilang salita na susupor-tahan ang gobyerno sa lahat ng kanilang makakaya, natugunan ba nito ang katotohana­n na ang basura ay repleksyon ng kawalang kamalayan ng publiko sa kapaligira­n?

Sa Manila at iba pang mauunlad na siyudad, ang isyu ng pakikia-lam o pagmamatya­g ng komunidad, ay ang bagay na lagi na la-mang nababaon sa malalim na putik.

Itinuturin­g ng mga pulitiko ang publiko bilang mga boto, at ito ang dahilan kung bakit nagkalat ang mga informal settlers sa mga estero, at ang kanilang mga gawain, ay nakakapaga­mbag sa lalong paglala ng problema sa basura.

Lagi tayong pinapaalal­ahanan na tayo ay sakop ng batas. Fine. Ngunit saan magsisimul­a at magtatapos ang pamamahala?

Kung ang ating mga batas sa pagsasawal­ang-kibo ay naipapataw lamang sa mahihirap, ano ang positibong pananaw ang maaari nating ibahagi na hihikayat sa publiko na protektaha­n ang kanilang komunidad mula sa pang-aabuso? Ang mga batas ay laging pumapabor sa mayayaman, isang paraan ng pagsasabi na ang pagmamatya­g ay naging mas mahirap dahil sa pagkakaiba ng pagharap sa magkakatul­ad na usapin.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines