Balita

Movie producer na si Baby Go, star builder na rin

- Reggee Bonoan

PINASOK na rin ni Ms Baby Go, ng BG Production­s, ang pagtuklas ng mga bagong mukha na gagawin niyang artista para sa mga movie project niya.

Sa madaling salita, ay may magiging Baby Go Talent Agency na rin at hiwalay ito sa BG Production­s niya.

Kailangan ng mga baguhang artista ng BG Production­s dahil plano na nilang gumawa ng pelikula para isali sa mga internatio­nal film festivals sa ibang bansa.

Ini-launch din ang Global Film Production Internatio­nal, Inc. para sa mga commercial film o mainstream movies.

Ang unang pelikulang isasali sa festival abroad ay ang School Service, na pagbibidah­an nina Ai Ai delas Alas at Joel Lamangan, at idinirehe ni Louie Ignacio. Kabilang ito sa entries sa Cinemalaya 2018. On-going naman ang shooting ng pelikulang

Latay, sa direksiyon ni Ralston Jover, at pagbibidah­an nina Allen Dizon, Lovi Poe,

Mariel de Leon, at Snooky Serna. Napa-oo naman na rin ni Ms Baby ang apat na mahuhusay na direktor para gumawa ng pelikula sa kanya, kabilang sina Joel Lamangan,

Mel Chionglo, Neal Tan, at Joey Romero. Baguhang talents naman ng BG Agency ang dating StarStruck finalist na si Angelo Mamay, ang batang si Celine Juan na introducin­g sa School Service, ang young singer na si Renz Buster, at sina Kate Brios, Lady Diana at Jasmine Henry. Idagdag din si Rhea Usares, ang magkakapat­id na Wynona, Woersha, Walline, Welcy, at Winber Calderon, at ang magkakapat­id na Celine, Jillian, Angel at Jordhen Juan.

Bilang paghahanda sa kanilang mga projects, dadaan sa matinding workshops ang bawat talent.

Kaugnay nito, ini- launch din ang BG Showbiz Plus Magazine, na sobrang lakas dahil si

Alden Richards ang nasa cover, habang si Maine

Mendoza naman ang nasa cover sa susunod na issue.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines