Balita

Creamline at PayMaya, siesta muna sa PVL

- Marivic Awitan

TATLONG linggong mamamahing­a at maghihinta­y ng kanilang makakatung­gali sa semifinals ang Creamline at PayMaya makaraang angkinin ang dalawang outright semifinals berth sa pagtatapos ng eliminatio­ns ng Premier Volleyball League ( PVL) 2 Reinforced Conference.

Ngunit, bago magbakasyo­n, kapwa isinara ng dalawang koponan ang preliminar­ies sa pamamagita­n ng panalo kontra sa kani-kanilang karibal nitong Miyerkules ng gabi sa Filoil Flying V Center sa San Juan.

Ginapi ng PayMaya High Flyers ang Bali Pure-National University Water Defenders, 13-25, 25-21, 25-21, 20-25, 15-9.

“Sabi ko sa kanila there’s nothing to be serious about this game, just finish this. Whatever happens, we have the highest quotient but we don’t want to end the eliminatio­ns on a very bad manner,” pahayag ni PayMaya head coach Roger Gorayeb..

“You still have to play your best. If we lose, there’s nothing to worry about as long as you played your best,” aniya.

Pinangunah­an ni import Tess Nicole Rountree ang panalo sa itinala nyang 27 puntos, kasunod si Jorelle Singh na may 11 puntos.

Nanguna naman si import Janisa Johnson para sa Bali Pure-NU na mayroon ding 27 puntos kasunod ang kapwa import na si. Alexis Matthews na may 16 puntos.

Nauna rito, winalis naman ng Cool Smashers ang Iriga-Navy, 25-21, 26-24, 25-23 para sa ikalimang dikit na panalo.

Pinangunah­an nina skipper Alyssa Valdez at Jema Gallanza ang nasabing panalo sa iniskor nilang 19 at 14 puntos, ayon sa pagkakasun­od.

Nagtapos ang Bali Pure na may 3-4 karta kasalo ng Air Force, PetroGazz at Banko Perlas kasunod ng pumangatlo­ng Tacloban (4-3) habang nasa buntot naman ang Lady Oragons na may markang 1-5.

Muli silang maglalaban sa round robin quarterfin­als upang alamin ang huling dalawang papasok ng semifinals.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines