Balita

Blue Eagles, matayog ang lipad sa Flying V

- Marivic Awitan

Mga Laro Ngayon (Filoil Flying V Center) 12:30 n.h. -- Letran vs St. Benilde 2:15 n.h. -- San Beda vs Perpetual 4:30 n.h. -- Ateneo vs Mapua 6:30 n.g. -- San Sebastian vs Adamson

HAHARAPIN ng reigning UAAP champion Ateneo de Manila ang Mapua, target ang ikawalong sunod na panalo na magpapatat­ag ng kanilang pamumuno sa Group A papasok ng playoff round ngayon sa pagpapatul­oy ng Filoil Flying V Pre Season Cup sa San Juan City.

Puntirya ng Blue Eagles ang Cardinals ganap na 4:30 ng hapon.

Mauuna rito magtutuos sa unang laban ganap na 12:30 ng hapon ang Letran at College of St. Benilde na susundan ng tapatan ng defending San Beda College at University of Perpetual Help ganap na 2:15 ng hapon.

Manggagali­ng ang Blue Eagles sa most lopsided na panalo na naitala sa 12 taong kasaysayan ng liga matapos durugin ang Emilio Aguinaldo College, 10844.

Tatangkain naman ng Cardinals na makabangon mula sa tatlong sunod na pagkatalo matapos ipanalo ang unang apat nilang laro upang mapalakas ang tsansang umusad sa playoff round.

Pinakahuli nilang talo ay mula sa kamay ng Gilas Pilipinas Cadets sa iskor na 78-97, na nagbaba sa kanila sa markang 4-3, kasunod ng University of the Philippine­s (6-3) para sa ika-4 na puwesto sa Group A.

Samantala sa huling laro, magtutuos ang San Sebastian College at Adamson University ganap na 6:30 ng gabi.

Tatangkain ng Falcons na sumalo sa liderato ng Group B sa Far Eastern University sa pagpuntiry­a ng ika-6 nilang panalo kontra Stags na nasa must win situation taglay ang patas na markang 3-3 sa natitira nilang dalawang laban para sa tsansang makahabol sa playoffs.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines