Balita

Paint Masters, magsosolo sa pagpinta

- Marivic Awitan

Mga laro ngayon (Araneta Coliseum) 4:30 n.h. -- Blackwater vs Rain or Shine 7:00 n.g. -- Meralco vs Phoenix

PUNTIRYA ng Rain or Shine na maipinta ang ikaapat na sunod na panalo para muling makuha ang solong pamumuno sa pagsalang kontra Blackwater ngayon sa 2018 PBA Commission­er’s Cup sa Araneta Coliseum.

Ganap na 4:30 ng hapon ang tapatan ng Elite at ng Elasto Painters na susundan ng sagupaan ng Meralco at Phoenix ganap na 7:00 ng gabi.

Nangingiba­baw sa ngayon ang Rain or Shine kasalo ng TNT Katropa taglay ang parehas na 6-1.

Nagawa namang putulin ng Elite ang kanilang 7-game losing skid nang kanilang ungusan ang huling nakatungga­ling Magnolia Hotshots, 8684 nitong Miyerkules.

Sa tampok na laban, magtatangk­a naman ang Meralco Bolts na maging matatag sa third spot sa pagpuntiry­a ng ikalima nilang panalo sa pagtutuos kontra Phoenix.

Huling ginapi ng Bolts upang umangat sa markang 4-2 ang Barangay Ginebra, 93-82, sa nakalipas na Biyernes.

Sa panig ng Phoenix Fuel Masters, pipilitin nitong kumalas sa three-way tie sa defending champion San Miguel Beer at Magnolia taglay ang patas na markang 3-3.

Sisikapin nilang makabawi mula sa huling kabiguang natamo sa kamay ng Beermen sa nakaraan nilang laban noong Mayo 30.

Muling sasandigan ng Elite ang import na si Henry Walker na literal na isinalba ang koponan sa bingit ng kabiguan sa pamamagita­n ng isang tomahawk slamdunk shot sa dying seconds ng laban nila ng Hotshots para sa target nilang unang back-to-back wins.

At inaasahang magiging mainit ang tapatan nila ng hulking import ng Elasto Painters na si Reggie Johnson na dating Best Import sa ABL.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines