Balita

Bea, nagpadala ng flowers kay Kris

- Ni NORA V. CALDERON

TULAD ng naisulat namin last Thursday, humahanap lang ng timing para muling magkasama ang matagal nang magkaibiga­ng Cristy Fermin at Kris Aquino. Kinahapuna­n ng araw na iyon ay natuloy ang pagbisita ni Kris sa teleradyo show ni Nay Cristy na Cristy Ferminute, sa TV 5. Talagang sinubaybay­an ng netizens at nag-viral pa ang nasabing interview sa muling pagsasama na kapwa naging co-hosts sa The Buzz ng ABS-CBN, kung saan nagsimula ang kanilang friendship. This time, isang masaya at hindi palaban na Kris Aquino ang napanood ng publiko. Puro usapan tungkol sa pagmamahal sa mga magulang at mga anak ang nasambit niya.

Gaya ng inaasahan, may revelation­s din si Kris tungkol sa ex- boyfriend niyang si Mayor Herbert

Bautista at sa ex-husband na si James Yap. Ipinaliwan­ag din niya kung bakit hindi siya puwedeng kumandidat­o sa 2019 elections. Nagpasalam­at din si Kris kina President Rodrigo

Duterte, Special Assistant to the President Bong Go, at sa mga kasamahan niya sa industriya na sumuporta

sa kanya.

Special mention niya ang mag-asawa at inaanak niyang sina Dingdong Dante at Marian Rivera, at binanggit na si Kim Chiu raw ang kauna-unahan daw na nagbigay ng suporta sa kanya.

Isa pa niyang pinasalama­t si Mariel Padilla, knowing kung ano ang stand ni Robin Padilla sa ating government.

Pero ang pinasalama­tan nang husto ni Kris ay ang Kapuso young actress na si Bea Binene. Hindi raw niya personal na kilala si Bea, pero twice na silang nag-meet

sa dalawang events na pareho silang guests. Tanging ‘hi’ at ‘hello’ lang daw ang batian nila, at hindi man lang sila nagkakausa­p. Pero iyong bigyan siya ng suporta ng aktres ay napakalaki­ng bagay na sa kanya. Dalawang beses pa raw nagpadala ng flowers si Bea sa kanya.

May konting update rin si Kris tungkol sa ginagawa niyang movie sa Star Cinema, ang I Love You, Hater with Julia Barretto and Joshua Garcia. Pero naging matipid siya, hanggang doon lang daw muna dahil baka mapagalita­n siya kung ikukuwento na niya ang changes sa movie nila.

 ??  ??
 ??  ?? Bea
Bea

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines