Balita

Gretchen, napikon sa netizen

- Nitz Miralles

NAGALIT si Gretchen Barretto sa isang netizen na nagcomment tungkol sa kanyang pamilya. Suggestion ng netizen, bago tulungan ng aktres ang mga may sakit na humihingi ng financial help, dapat na unahin muna niyang tulungan ang sariling ama na may sakit.

Heto ang comment ng netizens na nagpagalit kay Gretchen: “Ask ko lang, ha, Gretchen panay ang pamigay mo ng mga wishes ng mga taong may kapansanan pero ang tatay mo may sakit na nabibisita mo ba siya o nakakausap to show your love and affection? Kasi dapat family first di ba bago ang iba.

“‘Wag mong mamasamain kasi avid fan mo ako, lalo mo nga akong napahanga sa mga pagtulong mo sa mga may kapansanan, pero sana habang buhay pa siya mas mapasaya mo siya o sila ng nanay mo. Pero sorry din, ha, kasi wala akong alam sa estado ng relationsh­ip nyo ng pamilya. Nagtatanon­g lang naman. God bless and sana wish ko na mas maraming marami pa kayong matulungan na mas higit na nangangail­angan.” Sagot ni Gretchen: “Since you admitted that you know nothing about my relationsh­ip, I believe it is best for you to stay out of MY PERSONAL LIFE. It is none of your business.” Kaagad namang napansin ng mga nakabasa sa sagot ni Gretchen na hindi siya nag-mention ng “family” kasunod ng linyang “since you admitted you know nothing about my relationsh­ip”. Akala ng nakabasa ay may kasunod na “with my family”, pero walang binanggit ang aktres. Tipong bitin sa “my relationsh­ip.” Hindi na nga yata magiging maayos pa ang relasyon ni Gretchen sa kanyang pamilya, lalo na sa kanyang mga magulang.

 ??  ??
 ??  ?? Gretchen
Gretchen

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines