Balita

Ria at Ford, bagong love team

- Reggee Bonoan

NAALIW kami sa mga nabasa naming post at litrato sa social media tungkol kay Ria Atayde at sa isa sa mga miyembro ng Boyband PH na si Ford Valencia.

Sila pala ang magka- love team ngayon?

Nagsimula ang love team nina Ria at Ford sa Wansapanat­aym Presents: Ohfishcial­ly Yours, na napapanood tuwing Linggo sa ABS-CBN, kasama sina Elisse Joson, Nico Antonio, Janice de Belen, at ang iba pang miyembro ng Boyband PH na sina Joao Constancia, Neil Murillo, Tristan Ramirez, at Russel Reyes.

Sakto naman na gising pa si Ria nang madaling araw ng Huwebes kaya tinanong naming siya kung sila ni Ford ang love team ngayon. Kaagad naman niya kaming sinagot ng, “Yes, tita.”

Biniro namin kung nagpaparam­dam sa kanya si Ford. “OMG, no, tita. Ha, ha, ha!”

Tinanong namin kung sino sa Boyband PH ang pinaka-enjoy niyang kausap.

“Lahat naman sila enjoy ko kausap. Of course, si Joao, kasi nagkakilal­a na kami before because of Arjo ( Atayde),” pahayag ni Ria.

“Mas madalas ko po kasing kasama si Ford. Maayos din naman and quiet lang din. (Si) Russell masaya. Si Tristan funny. Si Niel parating nagge-games, pero mahilig mang-asar na funny din. Lahat sila maayos, Tita,” isa-isang paglalaraw­an ng aktres sa Boyband PH members.

Sinabi rin ni Ria na imposiblen­g magkagusto sa kanya ang sinuman sa grupo. “Lahat younger than me. Ha, ha, ha.”

Hinuli ulit namin si Ria at sinabing sure kaming kinikilig sa kanya si Ford.

“Ha, ha, ha, o siya, good night na talaga, tita!” paiwas na sagot sa amin, sabay bawi, “No naman. We’re all good friends. Night, tita.”

Hmm, sige. Aabangan natin kung hanggang saan ang love team nina Ria at Ford.

 ??  ??
 ??  ?? Ria
Ria
 ??  ?? Ford
Ford

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines