Balita

Nasibak na parak, tiklo sa kidnapping

- Bella Gamotea

Arestado ang isang dating police official at tatlong iba pa nang mahulihan ng isang nakaw na sasakyan sa Pasay City, nitong Huwebes ng gabi.

Kinilala ni Southern Police District (SPD) Director, Chief Supt. Tomas Apolinario, Jr. ang mga suspek na sina Moreta Delos Reyes, alyas Mayeth, 61, ng Block 3, Lot 8, Santos Street, Meadwood Executive Village, Bacoor City, Cavite; Jose Madrigal, alyas Ricky, 51, ng Terra Fortuna Subdivisio­n, Santa Rosa, Laguna; dismissed Police Supt. Raul Ramos, 60; at Lolita Ramos, 58, kapwa taga-Hormiega St., Bgy. Valenzuela, Makati City.

Pinaghahan­ap naman ang isa pang suspek na si Roller Jolo, 30, stay-in driver, ng Bgy. Pagsawitan, Sta. Cruz, Laguna, na itinuturon­g tumangay sa nakaparada­ng Toyota Hi-Ace commuter van (A5M884) na pag-aari ni Fulin Zhang, ng Ayala Alabang, Muntinlupa City.

Naaresto ang mga suspek sa entrapment operation ng mga tauhan ng District Anti-Carnapping ( DANCAR) unit ng SPD sa panulukan ng Sunrise Ave. at Harbor Drive, Mall of Asia (MOA), sa Pasay City, dakong 11:30 ng gabi.

Nag- ugat ang kaso nang maghain ng reklamo ang biktima sa pulisya kaugnay ng pagtangay sa kanyang van.

Matapos makakuha ng impormasyo­n kaugnay ng nakatakdan­g pagbenta sa nasabing sasakyan, agad nagsagawa ng operasyon at naaresto ang mga suspek.

Nakapiit ang mga suspek sa SPD headquarte­rs sa Fort Bonifacio, Taguig City at nakatakdan­g kasuhan ng paglabag sa anti-fencing law.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines