Balita

Duterte sa isyu sa kanila ni Puyat: We’re just friends

- Ni Argyll Cyrus B. Geducos

Tinuldukan ni Pangulong Duterte ang mga espekulasy­on na may relasyon sila ni bagong Department of Tourism (DoT) Secretary Bernadette RomuloPuya­t.

Sa kanyang talumpati sa Lapu-Lapu City, Cebu, iginiit ng Pangulo na matalik silang magkaibiga­n ng anak ni dating Senador Alberto Romulo, na madalas bigyan ng malisya ng ibang tao.

“Ito naman si Bernadette, talagang parang buddy-buddy ko. Pero ang mga TV, ‘yung binabantay­an ‘yung body language. She is not [my girlfriend],” paglilinaw ng Pangulo.

Sa event na pareho nilang dinaluhan, pabiro pang kinumpront­a ng Pangulo si Puyat.

“Ano ba tayo, on o hindi? Magsabi ka ng totoo,” tanong ni Duterte kay Puyat, na tinawanan ng mga manonood.

Ipinaliwag din ng Presidente ang rason kung bakit si Puyat ang itinalaga niyang kapalit ni dating Tourism Secretary Wanda Teo, na nagbitiw dahil sa kontrobers­iyal na advertisem­ent deal ng kagawaran sa PTV4 na nag-eere sa programa ng mga kapatid ng huli.

“You’re at the moment when there was really nobody to pick, siya ang pinili ko because I know her. She’s a magna cum laude graduate of the School of Economics sa UP,” ani Duterte.

Kamakailan ay kumalat sa Internet ang larawan nina Puyat at Duterte na magkahawak-kamay sa isang pampubliko­ng pagtitipon, na kuha noong 2015 habang alkalde pa ng Davao City si Duterte, at sinabing espesyal si Puyat sa Pangulo kaya itinalaga sa DoT.

Kaagad namang itong pinabulaan ni Puyat, sinabing ang kanyang track record sa pamahalaan ang dahilan kaya nasa DoT siya ngayon.

“It’s not relevant. We’re friends. He’s a friend of the family. He’s known my mom since they were teenagers. He’s close to my dad,” paliwanag ni Puyat sa isang panayam kamakailan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines