Balita

Grab drivers inaalipin?

- Bert de Guzman

Inakusahan kahapon ni Puwersa ng Bayaning Atleta (PBA) Partylist Rep. Jericho Nograles ang transport network vehicle services (TNVS) na Grab Philippine­s nang “pang-aalipin” sa kanilang driver-partners.

Tinukoy ng kongresist­a ang ipinaiiral ng Grab na hindi pantay na hatian at imposiblen­g quotas para mabigyan ng insentibo.

Ibinunyag aniya ng Grab driverpart­ners ang paghihirap nila sa araw-araw na pagmamaneh­o ngunit, maliit lang ang naiuuwi sa kanilang pamilya.

“Grab is incentiviz­ing modernday slavery. While Grab executives are splurging on things like joining a P35million per share golf country club, their driver-partners hardly earn enough to be able to afford three square meals a day and keep up with the amortizati­on cost of their vehicles,” reaksiyon ni Nograles.

Aniya, kumikita nang malaki ang nasabing TNVS habang ang mga driver nito ay nagtatraba­ho na tila alipin at wala pang proteksiyo­n sa kanilang trabaho.

Nagpasya umano siyang maglabas ng pahayag sa publiko nang ipagtapat ng mga Grab driver na sa kanilang fare collection na P18,000 kada linggo, aabot lamang sa P3,930 per week ang napupunta sa kanila matapos ikaltas ang gastos at amortizati­on, gas, food, internet, at iba pa.

Sa halagang ito, ang take home pay umano ng bawat Grab driver-partner matapos kaltasan ay P655 kada araw sa pagmamaneh­o ng 18 oras habang ang nakukuha ng Grab ay average na P600 kada arawnakuma­katawansak­anilangkom­isyon nang hindi man lamang pinapawisa­n.

“After working 18 hours per day for 6 days, it turns out that the real commission of Grab is not 20% but more like 48% or higher. Puwede nang manalo ng Guinness Book of World Records ang Grab as the most expensive ‘barker’ in the world,” diin pa ng kongresist­a.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines