Balita

Ex- cop , 3 pa tiklo sa kidnapping

- Ni JUN FABON

Apat na umano’y kidnapper, kabilang ang isang nasibak na pulis, ang nasakote nang dukutin ng mga ito ang isang negosyante­ng Chinese at tangayin pa ang sasakyan nito, dalawang linggo na ang nakararaan.

Iniharap ni Quezon City Police District (QCPD) director Chief Supt. Joselito Esquivel sa mga mamamahaya­g ang mga suspek na sina Arnold Camayang, 33, dating PDEA agent, tubong Tuao, Cagayan, ng No. 74 BSCI, Barangay 81, Caloocan City; Mark Anthony Roque, 36, na nasabik na pulis na nakataklag­a sa PNP- Crime Laboratory, taga-Tuao, Cagayan, ng No. 111, Pinagbuhat­an St., Bgy. Pinalad, Pasig City; Alvin Jay Roque, 27, kasalukuya­ng MMDA traffic constable, tubong Tuao, Cagayan at pansamanta­lang nanunuluya­n sa Road 20, Bgy. San Juan, Taytay, Rizal; at Christian John Talaue, 22, ng No. 84-D Bulusan St., Bgy. Salvacion, Quezon City.

Nasorpresa sina Roque (Alvin Jay), Talaue at Camayang na nakasakay sa kanilang van nang dakpin sila ng pulisya sa Bulusan St., kanto ng Amoranto Avenue sa Quezon City, bandang 4:00 ng hapon kamakalawa.

Nakita rin sa lugar ang isang gray na Toyota Commuter van na sinasabing ginamit sa pagdukot sa biktimang si Wu Shaowei, kasama ang isa pang batang Chinese.

Sa isa pang follow-up operation, nadakip ng mga tauhan ng anticarnap­ping unit PNP-HPG ang isa pang suspek na si Roque (Mark Anthony) sa McArthur Hi-way, sa Valenzuela City.

Matatandaa­ng hinarang ng mga suspek na lulan sa nasabing van ang mga biktimang nakasakay naman sa isang commuter van na tinatahak ang Congressio­nal Avenue, Quezon City noong Mayo 25.

Nagpakilal­a umanong pulis ang mga suspek nang dukutin nila ang dalawang Chinese.

Humihingi ang mga suspek ng P3 milyong ransom na ibinaba sa P300,000. Nang pauwiin si Shaowei upang kunin ang salapi ay agad itong nagsumbong sa pulis.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines