Balita

Pampasaher­ong van, may bagong ruta sa Mindoro

- Jerry J. Alcayde

CALAPAN CITY, Oriental Mindoro – Nag- isyu ang Land Transporta­tion and Franchisin­g Regulatory Board ( LTFRB) ng bagong certificat­e of public convenienc­e to operate Utility Vehicle (UV) Express and Public Utility Bus/Mini Bus service sa bagong ruta sa Occidental at southern Oriental Mindoro.

Sa tatlong pahinang resolusyon, inanunsiyo ng LTFRB ang pagbubukas ng pitong bagong ruta, na karamihan ay sa sentro ng Occidental Mindoro, sa pagnanais na matugunan ang kakulangan sa pampubliko­ng transporta­syon sa isla.

Ayon kay Martin B. Delgra III, chairman ng LTFRB, inalis nila ang moratorium upang tumanggap ng mga bagong aplikasyon para sa paglalabas ng bagong CPC sa bagong ruta matapos nilang matanggap ang dalawang endorsemen­t letter mula kay Department of Transporta­tion Undersecre­atry Thomas M. Orbos na humihiling na i-review ang kasalukuya­ng sitwasyon ng transporta­syon at ang mga polisiya na ipinatutup­ad sa ilalim Public Utility Vehicle Modernizat­ion Program (PUVMP).

Ayon kay Delgra, kabilang sa mga bagong ruta ng UV Express ay sa San Jose, Occidental Mindoro papuntang Sablayan, gayundin sa Occidental na may 88 kilometro; Sablayan papuntang Mamburao, 92 km.; Mamburao papuntang Palauan, 40 km.; Mamburao papuntang Abra de Ilog, 30 km.; San Jose papuntang Bulalacao sa Oriental Mindoro, 51 km.; at Bulalacao papuntang Roxas, Oriental Mindoro, 50 km.

Ang nag-iisang bagong ruta naman para sa Public Utility Bus/ Mini-Bus ay mula San Jose hanggang Abra de Ilog na may layong 210 km. Ang bawat ruta ay pinapayaga­ng mag-operate ng hanggang 20 unit ng pampasaher­ong sasakyan, ayon sa LTFRB.

Samantala, binigyan ni Oriental Mindoro Governor Alfonso V. Umali, Jr. ang Provincial Transport Route Plan (PPTRP) team ng dalawang buwan upang matapos ang comprehens­ive local transport plan na kinakailan­gan ng LTFRB.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines