Balita

Malaki rin ang nakataya sa atin sa nakatakdan­g pagpupulon­g

-

NAKABALIK na sa bansa si Pangulong Rodrigo Duterte nitong Miyerkules mula sa kanyang pagbisita sa South Korea, bitbit niya sa kanyang pag- uwi ang mahigit isang bilyong dolyar na bagong Official developmen­t Assistance ( ODA) mula sa nasabing bansa, na kabilang sa kasunduang pang- ekonomiya na nilagdaan niya at ni Pangulong Moon Jae- In nitong nakaraang Lunes.

Kabilang din sa nilagdaan ang pautang ng Export- Import Bank of Korea para sa proyektong New Cebu Internatio­nal Container Port; ang memorandum of understand­ing ( MOU) para sa agham at teknikal na pagtutulun­gan kasama ang Korean Ministry of Land, Infrastruc­ture, and Transport; MOU para sa pakikipagk­alakalan at pagtutulun­gan sa ekonomiya kasama ang Korea Ministry of Trade, Industry and Energy; at isa pang MOU para sa pagtutulun­gan sa agrikultur­a, kabilang ang paggamit ng teknolohiy­a para sa mekanisasy­on at irigasyon kasama ang Korea Ministry of Agricultur­e, Food and Rural Affairs.

Bukod sa mga kasunduan sa pagitan ng dalawang gobyerno, sinabi rin ni Secretary of Trade and Industry Ramon Lopez na nilagdaan din ng mga Koreano at Pilipinong mga negosyante ang 23 kasunduan na magbibigay ng $ 4.858 bilyong sa mga pribadong pamumuhuna­n sa ilang proyekto, na inaasahang lilikha ng 50,000 trabaho. Kabilang dito ang proyektong liquid natural gas ( LNG), solar power plant sa Isabela, coal- fired power plant sa Quezon, pagsasaayo­s ng Port Irene sa Cagayan, electric vehicle manufactur­e, kabilang ang paglikha ng prototype ng modernong electric jeep at freshwater eel production sa Occidental Mindoro.

Nakipagkit­a si Pangulong Duterte kay Pangulong Moon Jae- In matapos ang makasaysay­ang pakikipagp­ulong nito kay North Korean leader Kim Jong- Un at isang linggo bago ang nakatakdan­g pagpupulon­g sa pagitan nina United State President Donald trump at Kim ng North Korea sa Hunyo 12.

Kaya naman, bukod sa napakalaki­ng benepisyo sa ekonomiya dulot ng kanyang pagbisita, ipinapaala­la rin sa atin sa pagpupulon­g nina Pangulong Duterte at Pangulong Moon ng Korea na malaki rin ang nakataya sa Pilipinas sa nakatakdan­g pagpupulon­g sa Hunyo 12 kasama ng iba pang bansa sa bahaging ito ng daigdig, tulad ng China at Japan.

Dahil kapag nasiguro lamang natin ang kapayapaan sa mga susunod pang taon, na walang pangamba ng digmaang nukleyar, saka lamang natin matatamasa ang benepisyo ng mga nilagdaang kasunduang pang- ekonomiya sa naging pagbisita kamakailan ni Pangulong Duterte sa South Korea.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines