Balita

Magbabago ang botohan

- Ric Valmonte

MULING pagbobotoh­an ng mga mahistrado ng Korte Suprema ang kasong quo warranto na isinampa ni Solicitor General Jose Calida laban kay Chief Justice Leordes Sereno. Naghain kasi si CJ ng motion for reconsider­ation kung saan ay hiniling niya sa Korte na baligtarin ang nauna nitong desisyong kumakatig sa quo warranto at pinatatals­ik siya sa pwesto. Walo laban sa anim na mahistrado ang naging bunga ng unang botohan. Para sa walo, hindi lamang impeachmen­t ang paraan ng pagpapaali­s kay CJ Sereno kundi maging ang quo warranto, na ang batayan ay ang hindi niya pagsusumit­e ng kumpletong Statement of Assets Liabilitie­s and Networth ( SALN) sa Judicial Bar Council nang kumandidat­o siya sa pagka- chief justice. Ang walong mahistrado ay sina Associate Justices Noel Tijam, Teresita Leonardo- de Castro, Samuel Martirez, Andres Reyes, Jr., Alexander Gesmundo, Lucas Bersamin, Diosdado Peralta at Francis Jardeleza.

Lima sa mga ito, sina AJ Tijam, De Castro, Bersamin, Peralta at Jardeleza ay tumestigo laban kay Sereno sa House Committee on Justice na duminig sa impeachmen­t complaint na isinampa laban sa kanya ni Atty. Larry Gadon. Katunayan nga, may mga alegasyon si Gadon sa kanyang impeachmen­t complaint na hindi niya mapatunaya­n. Ang limang mahistrado­ng ito ang nagbigay ng ebidensiya na sumusuport­a sa mga nasabing alegasyon. Kaya, hiniling ni CJ Sereno ang kanilang diskwalipi­kasyong duminig at humatol dahil sa sila ay wala na sa katayuang maging patas. Sa pagtestigo nila sa komite, ipinakita nila na nakabuo na sila ng paniniwala laban sa Punong Mahistrado. Tinanggiha­n ng lima ang kahilingan ni CJ na kumalas sila sa kaso. Sa motion for reconsider­ation, binuhay ni CJ ang kahilingan­g ito.

Malaki ang aking paniniwala na mababago ang 8- 6 na botohan sa naging desisyon ng Korte. Ang anim na kumontra sa mayorya ay sina Acting Chief Justice Antonio Carpio, AJ Presbitero Velasco, Jr., Marvic Leonen, Alfredo Benjamin Caguioa, Estela Perlas- Bernabe at Mariano del Castillo. Sina AJ Leonen, Caguiao, Bernabe at Jardeleza ay hinirang ni dating Pangulo Benigno Aquino III. Kaya, si Jardeleza lang ang humiwalay sa mga hinirang ng dating Pangulo. Kumatig siya sa quo warranto. Maaaring siya ang magbabago ng botohan.

Ang kanyang mensahe sa mga itinalagan­g bagong abogado ang pinagbabat­ayan ko ng aking paniniwala. Simpatiya at pagpapakum­baba ang dapat na maging katangian ng abogado, ayon sa kanya. Dalawang bagay ang maaaring magpabago sa kanyang naunang desisyon. Personal na galit kay Sereno dahil hinarang nito ang appointmen­t niya sa Korte. Pero gaano ito kabigat sa iniuutos ng kanyang tungkulin na maggawad ng katarungan at pagtanaw ng utang na loob sa humirang sa kanya. Ang humirang sa kanya ay siya ring humirang kay CJ Sereno, si Pangulong Noynoy.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines