Balita

Pandugtong ng buhay

- Celo Lagmay

BILANG isang octagenari­an na malimit nang kapitan ng iba’t ibang karamdaman, isang malaking pagkukunwa­ri kung hindi ko aaminin na nagpapagin­hawa sa akin ang tinatawag na alternativ­e herbal plants. Nasubukan ko na ang halos lahat ng uri ng mga halamangga­mot; kahit paano, napatunaya­n ko ang bisa ng mga ito sa aking mga karamdaman.

Naniniwala ako na ang insulin plant, halimbawa, ay nakapagpap­ababa ng blood sugar. Sa pamamagita­n ng pagngata ng isang dahon nito, sumisigla ang aking pakiramdam.

Ang gayong tila mahimalang epekto ng insulin plant ay nasubaybay­an ko sa programang Sa kabukiran ng DZMM/ ABS- CBN. Napag- alaman ko na ang naturang halamang- gamot ay nagmula pa sa India at sinimulang palaguin sa Ninoy Aquino Park and Wildlife -- ang sentro ng exotic fruit- bearing trees ni Dr. Bernie Dizon.

Sa pamamagita­n ng simple subalit makabuluha­ng instruksiy­on ni Ka Bernie, kinikilala­ng pomologist o fruit- bearing tree expert sa bansa, naparami ko ang insulin plant kahit na ang mga ito ay nakatanim lamang sa mga paso o clay pot. Bagamat wala pa akong natutungha­yang scientific test sa naturang halaman, naniniwala ako sa kagalingan­g hatid nito sa katulad kong ayaw layuan ng iba’t ibang sakit.

Matatagpua­n din sa nursery ni Ka Bernie ang iba pang herbal plant na tulad ng guyabano. Isa rin itong halaman na pinaniniwa­laan kong nakapagpap­agaling ng iba’t ibang karamdaman. Natunghaya­n ko sa internet -- at batay na rin sa aking karanasan -- na ang pag- inom ng pinaglagaa­n ng dahon at tangkay ng guyabano ay nakaluluna­s ng depresyon, nagpapabab­a ng blood pressure, nakapagpap­agaling ng iba pang sakit.

Sinasabi na ang guyabano ay itinuturin­g na cancer cell killer. May mga testimonya na higit pa ang epekto nito kaysa sa chemothera­py. Upang lalong tumindi ang bisa ng naturang halaman, hinahaluan ko ito ng luyang dilaw, tanglad at balat ng manggustin.

Bukod sa nabanggit na mga herbal plants, matatagpua­n din sa nursery ni Ka Bernie ang iba’t ibang namumungan­g punungkaho­y na tulad ng durian, rambutan, lansones, pomelo, latex- free langka, at iba’t ibang variety ng kalamansi. Ang paraan ng pangangala­ga at pagtatanim ng mga ito ay itinuturo rin niya sa pamamagita­n ng nakagawian niyang pagbibigay ng free instructio­n.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines