Balita

Mamimigay ng 2 designer bags bilang thank you

- Ni NITZ MIRALLES

NAG- ENJOY ang mga nanood sa guesting ni Kris Aquino sa radio show ni Cristy Fermin na Cristy Ferminute sa News FM 92.3FM at Aksiyon TV 41 last Thursday, sa rami ng pasabog ng Queen of All Media.

Isa sa mga pasabog ni Kris ay ang nakahanda na niyang plataporma kahit pa siya mismo ang nagkumpirm­ang hindi siya kakandidat­o sa eleksiyon sa susunod na taon, dahil ipinagbaba­wal sa mga kontratang pinirmahan niya ang pagpasok niya sa pulitika. Isa sa mga plataporma ni Kris ay ang pagsusulon­g niya ng universal healthcare na pakikinaba­ngan ng senior citizens.

Ibinuking din ni Kris na dalawang beses siyang nag-abono kay Quezon City Mayor Herbert Bautista dahil na-decline ang credit card nito. Nilinaw naman niyang kaagad siyang binayaran ni Mayor Herbert sa ipinambili nito ng regalo para sa kanya.

Pasabog din ang mga ikinuwento ni Kris tungkol sa dating asawang si James Yap, at sa paninigaw nito sa anak nilang si Bimby dahil sa kawalang-respeto umano ng bata, na sinagot naman ng bata tungkol sa “cheating” ng basketball player.

‘Kaloka rin ang inamin ni Kris na hindi niya minahal si James. “It was not love, nabulag lang sa abs,” aniya.

Ang pinaka-cute na pasabog ni Kris ay nang ibuking niyang hindi na lang in-love kay Julia Barretto si Bimby kundi obsessed na raw ang anak sa co-star niya sa Star Cinema movie na I Love You, Hater, kasama rin si Joshua Garcia.

“Hindi na lang siya in-love, obsessed na siya. He told me

that when he’s 21, he’ll buy Gucci for Julia every month. He told me, ‘Mama, she’s perfect’. Gandang-ganda siya kay Julia. ‘Yun ang type niya, maputi, maganda at Inglesera. Ayaw din niya ng prenup if he’ll marry Julia. Patay tayo d’yan,” kuwento pa ni Kris.

Anyway, bilang pasasalama­t sa suportang bumuhos sa kanya kaugnay ng kontrobers­iya nila ni Presidenti­al Communicat­ions Assistant Secretary Mocha Uson, mamimigay si Kris ng isang two signature bag sa lucky followers niya. Isang Louis Vuitton at isang Saint Laurent.

“All you have to do is like comment and tell me who should receive the bags & end it with #lovelovelo­ve and 3 yellow hearts. My KCAP staff will choose among all of you who we’ll be sending the Louis Vuitton & the Saint Laurent. Maraming salamat for your love—i just want to RECIPROCAT­E. #gratitude,” post ni Kris.

Samantala, back to normal na ngayon ang schedule ni Kris. Sa latest post niya, makikita ang pagsusukat niya ng mga damit designed by Francis Libiran.

“All are for endorsemen­ts — I think from the colors you can guess what they are...Hindi ako magsasawa—THANK YOU for trusting & supporting me. I am blessed because you are with me. Blind item na lang—renewal yung first w/ the ASEAN region added. I think obvious ‘yung blue, but another part of their empire. The yellow is for a new one (iba pa ‘to sa nagbabalik), and the red I’ll wear tomorrow—a collaborat­ions that are coming true,” saad sa post ni Kris.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines