Balita

DongYan documented ang lahat ng firsts ni Zia

- Ni NORA V. CALDERON

HANDS- ON parents talaga sina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa unica hija nilang si Baby Letizia. Simula pa nang isilang si Zia almost three years ago ay pinalaki nila ang bata na sila lang ang kasa-kasama. Kahit saan sila pumunta here and abroad, walang yaya na nakasunod sa anak nila.

Kaya nga laging nandun ang mag-asawa, especially si Dingdong, na nai-record sa kanyang camera ang mga unang ginawa ni Zia, like nung una itong tumayong mag- isa, unang beses na magsalita, unang pumasok sa school, at marami pang iba.

Napanood din sa Instagram story ng magasawa ang pagkanta ni Zia ng Bahay Kubo, at pakikipag-sing-a-long sa mga fans kapag may event ang mag-asawa.

Last Thursday, June 7, napanood naman sa IG story ni Marian si Zia habang nag-aaral sumayaw ng ballet. May caption si Marian na, “My little ballerina.”

Siyempre pa, naroon din si Dingdong, na nag-post sa kanyang Instagram: “Happy to have witnessed her first stretch despite this very hectic day. Guijab on the skirt adjustment, Mama @ marianrive­ra! #Zs1st.”

Kinagabiha­n kasi nang araw na iyon ay may block screening ang movie nina Dingdong at Anne Curtis na Sid & Aya ( Not A Love Story), sponsored ng PPL Entertainm­ent, sa Ayala Malls Vertis North. Dumalo rin sa event sina Direk Mark Reyes at Sunshine Dizon, na kasa-kasama nina Anne at Dingdong sa Viva Films simula noong teenagers pa lang sila. Nagkasamas­ama rin sina Dingdong, Sunshine at Direk Mark sa dalawang Encantadia series ng GMA 7.

 ??  ?? Marian, Zia at Dingdong
Marian, Zia at Dingdong

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines