Balita

Ice at Liza nagkantaha­n sa Wish Bus

- Reggee Bonoan

ANG dami talagang project ng Film Developmen­t Council of the Philippine­s ( FDCP), sa pamamahala ni Ms Liza Diño, dahil kamakailan ay nakipag- partner siya sa Korean Cultural Center in the Philippine­s (KCC) para sa Seoul Internatio­nal Architectu­ral Film Festival ( SIAFF) nitong Hunyo 1- 3 sa Cinematheq­ue, Manila.

Unang beses maipalalab­as sa Pilipinas ang Architectu­ral Film Festival, na layuning maipakita ang iba’t ibang gusaling nagtatampo­k sa kultura at kakayahan ng Korea at Pilipinas.

Ipinalabas sa naturang event ang dokumentar­yong City Talks, sa pangunguna ni FDCP Chairperso­n Liza, kasama sina Direk Jeong Jae- Eun, Kim Young Woo, Kim Jeong- In, at Yun Jae Seon.

Umaasa naman ang mga nabanggit na maraming papabor sa partnershi­p ng FDCP at KCC para sa mga susunod pang film festival.

Speaking of Ms Liza, suportado rin ng FDCP ang 2nd EDDYS ( Entertainm­ent Editors Choice) ng Society of Philippine Entertainm­ent Editors ( SPEEd) awards night, na gaganapin sa The Theater, Solaire sa Hulyo 9, Lunes.

Sa Nominees Night ng 2nd EDDYS nitong Linggo, Hunyo 3, ay pumarada sa labas ng Valencia Events Place ang Wish 107.5 Bus ng UNTV. Nalaman naming kasama pala sa bucket list ni Ms Liza at ng asawang si Ice Seguerra ang makasakay at makakanta sa nasabing bus, kaya naman kaagad silang inimbitaha­ng sumakay dito.

Napanood namin ang video ng dalawa, na kapwa kinikilig nang kinantahan ni Liza si Ice ng How Did You Know?, habang Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko naman ang inawit para sa kanya ni Ice.

 ??  ?? Liza at Aiza
Liza at Aiza

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines