Balita

Khloé Kardashian nakasuport­a kay Tristan Thompson sa NBA Finals

-

HABANG nasa Cleveland pa siya, patuloy ang pagsuporta ni Khloé Kardashian sa Cleveland Cavaliers player boyfriend na si Tristan Thompson, ayon sa ulat ng People. Namataan ang The Keeping Up with the Kardashian­s reality star, 33, na sumusuport­a sa tatay ng kanyang walong buwang sanggol na si True, sa Cleveland Cavaliers home game laban sa Golden State Warriors para sa game 3 ng NBA Finals nitong Huwebes.

Kahit na si Thompson, 27, at ang Cavs ay natalo sa 102-110 at ngayon ay nahaharap sa 0-3 deficit, namataan pa si Kardashian na papalabas na ng Quicken Loans Arena nang may ngiti sa labi.

Gayundin, sa game, nakipag-selfie rin ang new mom, sa ilang fans at attendees.

Una rito, nakita na ring nanonood si Kardashian ng laro ni Thompson noong Mayo 6, halos isang buwan makaraang kumalat sa publiko ang mga alegasyon ng pambababae laban sa basketball player.

Habang naniniraha­n si Kardashian sa Cleveland mula nang isilang ang kanyang unang baby, una nang sinabi ng inang si Kris Jenner sa Entertainm­ent Tonight na ang kanyang anak ay babalik “really soon,” at idinagdag pa na si Khloe ay “loving being a mom.” Isiniwalat naman ng sources sa Peoplena sa kabila ng cheating scandal, si Kardashian ay “in a really good place” and “at whole” kapiling si True.

“The Tristan stuff hasn’t seemed to impact her substantia­lly — at least not for now,” lahad ng source. “She is prioritizi­ng, and her priority is True. Whatever else comes next with Tristan, or really anything, she’ll deal with it as it comes, but she will not let anything affect this amazing time with her little girl.”

Sinabi naman ng insider noong Abril na, “She’s creating a life for her family in Cleveland.”

 ??  ?? Tristan at Khloe
Tristan at Khloe

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines