Balita

‘Sons of Anarchy’ actor Alan O’Neill, 47, pumanaw

-

BINAWIAN ng buhay si Alan O’Neill, na gumanap bilang si Hugh sa Sons of Anarchy, pagkukumpi­rma ng kanyang manager na si Greg Meyer sa Variety. Siya ay 47 taong gulang.

Nadiskubre ang katawan ni O’Neill ng kanyang girlfriend sa hallway ng apartment nila sa Los Angeles nitong Miyerkules ng gabi. Ayon sa TMZ, iniulat na ang Irish-born actor ay may kasaysayan ng chronic heart problem at malakas umano itong manigarily­o, dagdag pa na malakas din siyang mag-inom.

Walang foul play na pinagsusup­etsahan sa pagkamatay ng aktor. Si O’Neill ay naging FX series ni Kurt

Sutter, ngunit ang karera ng aktor ay naging makulay noong 90s. Ginampanan din niya ang regular role ni Keith McGrath sa drama series na Fair City — na ang set ay sa bayan ng Carrigstow­n — mula 2006 hanggang 2012. Unang nakita ang pag-acting niya noong 1997 sa TV movie na Ballyseedy bilang si Captain Jim Clarke, na sinundan ng 2001 mini-series na Rebel Heart. Napanood rin siya sa 2002 short Strangers in the Night bilang si Tony, ang psychotic ex-boyfriend, sa 32A bilang si Paddy noong 2007, sa Moore Street Masala noong 2009 bilang si Robert, at in sa crime drama na Inspector George Gently nang kaparehas na taon. Napanood din si O’Neill a Undercover­s noong 2010 pati sa Shadow Dancer at sa Invisible, na iniere noong 2012. Ang kanyang pinakabago­ng pagganap ay bilang si Captain sa Urge noong 2016. Inanunsiyo na rin ang kanya sanang magiging role bilang si Pepper sa upcoming horror film na Charlie Lives: The Family’s Return.

 ??  ?? Alan
Alan

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines