Balita

Tom Cruise may 5-mile skydive stunt sa ‘Mission: Impossible’

-

TUMALON sa mga gusali, naglambiti­n sa mga skyscraper at sumabit sa labas ng papalipad na eroplano, ito lamang naman ang mga stunt na ginawa ni Tom Cruise sa kanyang bagong pelikula, bilang isang action movie hero.

Ngayon ay maaari niya nang ipagmalaki na siya ang kauna- unahang aktor n a gumawa ng “HALO” skydive sa harap ng camera: isang “high altitude, low opening” jump, na kadalasang ginagawa lamang ng mga highlytrai­ned military profession­al, na isang paraan upang hindi sila mapansin o makita ng mga kalaban.

Ginawa ng 55 taong gulang na aktor ang stunt para sa Mission: Impossible - Fallout, ang pinakabago­ng installmen­t ng highgrossi­ng action movies, kung saan ginagampan­an niya ang karakter ni agent Ethan Hunt. Sa inilabas na video, nakitang tumalon si Cruise leaps mula sa cargo door ng isang eroplano at may taas na 25,000 feet (7,600 meters) – halos limang milya – at bago niya binuksan ang parachute ay kulang kulang 2,000 feet (600 meters) na lamang mula sa lapag, ayon sa mga filmmakers. Para paghandaan ang stunt, kung saan maaari siyang malagay sa peligro ng decompress­ion sickness, o ng tinatawan na “the bends”, mula sa pagbagsak sa 200 mph (320 kmh), nag-ensayo si Cruise sa isang custom-built wind machine at gumamit siya ng espesyal na helmet. Noong nakaraang taon ay nabalian ng bukung-bukong si Cruise dahil sa isang stunt para pa rin sa pelikulang Mission: Impossible - Fallout. Ito ay nang tumalon siya sa pagitan ng dalawang gusali at bumagsak sa dingding.

 ??  ?? Tom
Tom

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines