Balita

Q’finals ng PVL second season

- Marivic Awitan

Mga Laro Ngayon (Filoil Flying V Center) 10:00 n.u. -- PLDT vs IEM (men’s) 2:00 n.h. -- Tacloban vs BanKo-Perlas (women’s) 4:00 n.h. -- Iriga-Navy vs BaliPure (women’s) 6:00 n.h. -- Pocari-Air Force vs PetroGazz (women’s) SISIMULAN ng anim na koponan ang labanan para sa nalalabing dalawang semifinals berths sa pagsisimul­a ng single round quarterfin­als ng Premier Volleyball League (PVL) Season 2 Reinforced Conference ngayon sa Filoil Flying V Center sa San Juan.

Tatangkain ng Tacloban, Iriga-Navy at PetroGazz na muling makaiskor ng panalo kontra BanKo-Perlas, BaliPure at defending champion Pocari-Air Force, sa pagsalang nila sa single round phase kung saan ang top two teams ay susulong sa semis kasama ng mga outright qualifiers Creamline at PayMaya.

Sisikapin ng Fighting Warays, sa pamumuno nina imports Amporn Hyapha at Patcharee Seangmuan at locals Jovielyn Prado, Shola Alvarez at Heather Guino-o, na muling manaig kontra Perlas Spikers na pinangungu­nahan nina imports Jutarat Montripila at Kia Bright- gaya ng kanilang naitalang fourset win noong Mayo 2 sa pagtutuos nila ngayong 2:00 ng hapon.

Susundan ito ng sagupaan ng Lady Oragons na pinangungu­nahan nina imports Macy Ubben at Lauren Whyte at ng Water Defenders. Magtatangk­a rin ang Iriga na duplikahin ang fourset na panalo sa Balipure sa nakaraang elims.

Sa ikatlong laban, magsisikap naman ang Angels na makaungos sa bumubuluso­k na Lady Warriors sa kanilang salpukan ganap na 6:00 ng gabi.

Muling sasandig ang Angels kina imports Anastasia Trach at Olena Lymareva-Flink at locals Cherry Rose Nunag, Ranya Musa, Rachel Austero at playmaker Relea Saet para muling ma-upset ang Lady Warriors.

Mauuna rito, magtutuos ang PLDT at Instituto Estetico Manila, ganap na 10:00 ng umaga sa nag-iisang laro sa men’s division.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines