Balita

Pag-uulanPag hanggangha­nggan bukas pa

- Ellalyn De Vera-Ruiz

Posibleng lumabas na ng bansa ang bagyong ‘Domeng’ ngayong Linggo ng umaga, bagamat patuloy na uulanin hanggang bukas ang malaking bahagi ng Luzon at Western Visayas dahil sa habagat.

Ayon kay Nikos Peñaranda, ng Philippine Atmospheri­c, Geophysica­l and Astronomic­al Services Administra­tion (PAGASA), dapat na maging alerto ang mga nasa Luzon at Western Visayas sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa makaraang paigtingin kahapon ng Domeng ang pag-uulan sa nasabing mga lugar.

Ngayong Linggo hanggang bukas, Lunes, sinabi ng PAGASA na posibleng lumakas ang mga pag-ulan sa kanlurang bahagi ng Luzon, kabilang ang Metro Manila, Southern Luzon, Bicol Region, at Western Visayas habang kumikilos ang Domeng pahilaga sa direksiyon ng Japan.

Nagbabala rin si Peñaranda sa paglaki ng alon sa silangang baybayin ng Northern Luzon at sa kanlurang baybayin ng Southern Luzon at Central Luzon, na magiging mapanganib para sa maliliit na bangka.

Natukoy kahapon ang Domeng sa 565 kilometro sa silangan-hilaga-silangan ng Basco, Batanes, na may lakas ng hanging aabot sa 85 kilometers per hour (kph), at bugsong nasa 105 kph

Kumikilos ang Domeng pahilaga-hilagang silangan sa bilis na 21 kph, at ngayong Linggo ng umaga ay tinatayang nasa Basco, Batanes na palabas ng Philippine area of responsibi­lity.

Hanggang Martes at Miyerkules ay uulanin ang kanlurang bahagi ng Luzon, kasama ang Metro Manila, Southern Luzon, at Western Visayas.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines