Balita

‘IMPOSIBLE!’

Pagtigil sa pagpapatru­lya sa WPS, itinanggi

- Nina ARGYLL CYRUS B. GEDUCOS at FRANCIS T. WAKEFIELD May ulat ni Vanne Elaine P. Terrazola

Imposible! Ito naman ang tugon kahapon ng Malacañang sa isiniwalat kahapon ni Magdalo Party-list Rep. Gary Alejano na ipinahinto na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapatru­lya ng militar sa West Philippine Sea (WPS).

Sinagot ni Presidenti­al Spokespers­on Harry Roque ang inihayag ni Alejano, na nagsabing nakatangga­p siya ng impormasyo­n na ipinag-utos ng Pangulo na itigil ang pagpapatru­lya sa pinagaagaw­ang lugar, kaya naman isang beses kada linggo na lang umano nagpapatru­lya ang militar sa WPS.

Sinabi rin ni Alejano na hindi pabor ang Armed Forces of the Philippine­s (AFP) sa nasabing kautusan, dahil nagpapatul­oy ang Chinese militariza­tion sa pinag- aagawang teritoryo.

“That’s impossible,” saad sa text message ni Roque.

Una nang itinanggi na ng AFP ang alegasyon at sinabing hindi nila alam kung saan nanggaling ang impormasyo­ng hawak ni Alejano.

“I do not know where Cong. Alejano got that supposed instructio­n from the Commander-in-Chief. Malamang kuryenteng balita ‘yan, if not yet another malicious imputation on the President dragging the AFP in,” sabi ni AFP spokesman Marine Col. Edgard Arevalo.

Idinagdagp­aniArevalo­nanagpapat­uloy angmaritim­eataerialp­atrolsngmi­litarsaWPS, salungatsa­alegasyonn­iAlejano.

“Let me assure our people that your AFP continues and will continue to perform its mandate,” sabi pa ni Arevalo.

Ibinunyag ni Alejano ang nasabing impormasyo­n makaraang mag-viral ang video ng GMA News na makikitang sinasamsam ng mga Chinese ang mga huli ng mga mangingisd­ang Pilipino sa Scarboroug­h Shoal sa Zambales.

Sinabi naman ni Roque na wala siyang nakitang bullying sa nasabing video, ngunit nilinaw na sakaling mapatunaya­n ay maaari itong pagbasehan ng ihahaing protesta laban sa China.

Sa panayam ng GMA sa isa sa mga mangingisd­a, sinabi nitong basta na lamang kinukuha ng mga Chinese ang pinakamaga­ganda at pinakamala­laki sa kanilang mga huling isda.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines