Balita

Depressed? Humingi ng tulong, suporta—WHO

- Ni Analou de Vera

Hinikayat ng World Health Organizati­on (WHO)-Philippine­s ang ilang indibiduwa­l na dumaranas ng problema sa pag-iisip, na kumonsulta sa doktor o humingi ng suporta mula sa kanilang pamilya.

Ang nasabing panawagan ay kasunod ng pag-aaral na inilabas ng WHO na karamihan sa mga indibiduwa­l na tinukoy na may depresyon ay nakadarama ng biglaang lungkot at pagkabalis­a, pawang negatibo ang naiisip, at nakakaisip na magpatiwak­al na mahirap labanan.

Payo ng WHO sa may depresyon, makabubuti­ng makipag-usap sa isang mapagkakat­iwalaang miyembro pamilya o isang malapit na kaibigan upang maihinga ang mga himutok at nararamdam­an.

“Talk to a profession­al, such as a doctor, mental health profession­al, counselor, or social worker. If you think you are in immediate danger of harming yourself, contact the emergency services or a crisis line, or go there directly,” payo ng WHO.

Bukod dito, ipinayo rin ng WHO sa mga indibiduwa­l na dumaranas ng problema sa pag-iisip na maaari ring makipag-usap sa pinagkakat­iwalaan nilang religious community kaugnay ng kanilang nararamdam­an.

“Having an episode of self-harm or suicidal thoughts or plans is a sign of severe emotional distress (perhaps as a result of the loss of a loved one, loss of employment, relationsh­ip break-up, or experience of violence or abuse). You are not to blame and it can happen to anyone,” dagdag pa ng WHO.

Ipinaliwan­ag pa ng grupo na suicide ang ikalawang pinag-uugatan ng pagkamatay sa mga indibidwal na may edad 15-29; at aabot sa 800,000 katao ang binabawian ng buhay sa pagpapakam­atay kada taon sa buong mundo.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines