Balita

6 tiklo sa anti-drug ops sa Valenzuela

- Orly Barcala

Dalawang umano’y drug pusher at apat na adik ang inaresto ng pulisya sa magkakahiw­alay na anti-illegal drugs operations sa Valenzuela City, nitong Biyernes ng hapon hanggang kahapon.

Naunang dinampot sina James Rodriguez, 41; at Ariane Rose Guzar, makaraang bentahan umano ng ipinagbaba­wal na gamot ang ipolice poseur-buyer sa Morong Street sa Saint Jude Subdivisio­n, Barangay Malinta, dakong 3:30 ng madaling araw.

Natukoy sa imbestigas­yon ni SPO1 Jerry Terte, ng Valenzuela Police, na matagal na umano nilang sinusubayb­ayan ang ilegal na gawain ng dalawa.

Nasamsam umano sa dalawa ang pitong plastic sachet na naglalaman ng hinihinala­ng droga at marked money.

Kalaboso rin ang inabot ng apat na naaktuhan umanong bumabatak sa talahiban sa kabila ng malakas na ulan sa DaangBakal, Bgy. Malinta, ng nasabing lungsod.

Arestado sina Mark Kinompas, 24; Federico Velasco, 43, parehong taga-Bgy. Palasan, Valenzuela; Gerry Villaserda, 29, ng DaangBakal, Bgy. Malinta; at Geraldo Labore, 46, ng Miranda St., Bgy. Balubaran.

Sa report sa Valenzuela Police headquarte­rs, binanggit ni Chief Insp. Jowilouie Bilaro, hepe ng Station Drug Enforcemen­t Unit (SDEU), na nakatangga­p sila ng tawag mula sa isang concerned citizen kung saan binanggit na namataan ang apat na suspek na bumabatak sa naturang lugar, dakong 1:00 ng hapon.

Bukod sa dalawang transparen­t plastic sachet ng shabu, nakumpiska rin sa mga suspek ang mga drug parapherna­lia.

Sina Rodriguez at Guzar ay nahaharap sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11 ng Article 11 ng Republic Act 9165 habang ang apat pang suspek ay naman sa kasong paglabag sa Sections 11, 12 at 15 ng Article 11 ng nasabi ring batas.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines