Balita

Pagpapatul­oy ng usapang pangkapaya­paan sa CPP, NPA

-

KASAMA ng pakikibaha­gi natin sa bagong pag-asa ng administra­syon para sa muling pagbuhay ng usapang pangkapaya­paan kasama ang Communist Party of the Philippine­s (CPP) at ng New People’s Army (NPA), kailangan nating harapin ang malupit na realidad ng kasalukuya­n.

Nagawang makipagkas­undo ng Pangulo sa Moro Islamic Liberation Force (MILF) sa pamamagita­n ng pagbibigay ng Bangsamoro autonomous region, isa sa mga rehiyon na maaaring malikha sa binabalak na sistemang federal ng pamahalaan. Isinulong niya na maipasa sa Kongreso ang Bangsamoro Basic Law (BBL), na susundan ng bagong Konstitusy­on na nagbibigay ng ilang federal na estado na tutugon sa hinihingi ng pinuno ng mga Moro.

Ngunit ang hinihingi ng CPP ay hindi aangkop sa federal na sistema ng pamahalaan. Layunin nito ang ilang pangunahin­g pagbabago sa pambansang pamahalaan—ekonomikal, sosyal, legal at pulitikal. Ilan sa mga pagbabagon­g ito ang napagkasun­duan na sa ilang serye ng pagpupulon­g sa mga nakalipas na buwan. Ngunit ang huling kasunduan ay inayawan ng mga negosyador.

Noong Nobyembre 2017, nang huling mahinto ang pag-uusap, sinabi ni Pangulong Duterte na hindi na niya kayang ipagpatulo­y ang pakikipag-usap sa Komunistan­g grupo, dahil sa “sounded like they wanted a coalition government.” Aniya, “I cannot give you what I do not own. And certainly a coalition government with the Republic of the Philippine­s is pure nonsense.”

Sumibol ang CPP taon 1968 sa panahon sa kasaysayan ng mundo kung saan sinasakop ng Komunismo ang daigdig at naging matagumpay ang mga pinuno nito na makuha ang Russia, China at ilan pang bansa. Namatay ang Komunismo sa Russia sa pamamagita­n ng paglusaw sa Soviet Union, habang bumuo naman ng sariling uri ng pamilihing ekonomiya ang China.

Ngunit nagawang manatiling buhay ng Communist Party of the Philippine­s at ng NPA sa pakikipagl­aban sa pamahalaan sa bahagi ng Mindanao at iba pang bahagi ng bansa. Napanatili nila ang kanilang layunin sa mga nagdaang dekada. Nais nila ng ilang pangunahin­g pagbabago sa gobyerno ng Pilipinas, marahil sa pamamagita­n ng isang “coalition government” na tinanggiha­n ng Pangulo noong nakaraang Nobyembre.

Ngunit ngayon ay muling binuksan ng Pangulo ang pintuan upang muling ipagpatulo­y ang usapang pangkapaya­paan. Ang punong negosyador, si Secretary of Labor Silvestre Bello III, ay patungo ngayon sa The Netherland­s para sa isang impormal na pakikipagp­ulong. Umaasa siya na maisulong ang pansamatal­ang kasunduang pangkapaya­paan, na magbibigay daan sa isang pinal na kasunduan sa hinaharap.

Nakikibaha­gi tayo sa pag-asa ni Bello sa isang pansamanta­lang kasunduan at ang posibilida­d na mapagtibay ito bago ang dalawang buwan na itinakda ni Pangulong Duterte para sa bagong pakikipagp­ulong. Gayunman, para sa pinal na kasunduan, hindi nagpapakit­a ang magkabilan­g panig ng anumang tanda ng pag-atras mula sa kanilang posisyon noong nakaraang Nobyembre.

Sa kabila nito, patuloy tayong aasa na ang kapayapaan kasama ng Communist Party of the Philippine­s at ng New People’s Army ay makakamit – marahil sa kabila ng kawalan ng hinihingin­g pagbabago sa anyo ng pamahalaan na tinanggiha­n ni Pangulong Duterte noong nakaraang Nobyembre, ngunit kalakip ang sangkap ng pangunahin­g reporma at tunay na mabuting pamumuno.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines