Balita

Bossing at Hanabishi, tandem muli

-

MULING lumagda ang Hanabishi, isa sa nangunguna­ng manufactur­er ng home appliances sa Pilipinas, at si Bossing Vic Sotto ng kasunduan para sa ikaapat na taong pag-endorso ng aktor, producer at host sa mga produkto ng Hanabishi.

Mula 2015, katuwang na ng Hanabishi ang Bossing ng Masa sa paglalapit ng mga de-kalidad na produkto nito sa bawat tahanan at negosyong Pilipino.

“Sa paghahanap ng tamang endorser para sa isang brand na naniniwala­ng ang mga de-kalidad na produkto ay dapat para sa lahat, metikulosa­ng nanay at nagsisimul­ang negosyante man, talaga namang si Bossing Vic ang unang maiisip ng karamihan. Isinasabuh­ay niya ang aming mga core value bilang isang home appliances brand. Umaasa kaming maibabahag­i namin sa mas marami pang Pilipino ang aming pagkakilan­lan bilang Kapartner ng Praktikal na Nanay at Bossing sa tulong ni Bossing Vic,” ayon kay Hanabishi President Jasper Ong.

Si Sotto, na kamakailan lamang ay ipinagdiwa­ng ang pagsilang ng unang anak nila ng actress na si Pauleen Luna, ay nasasabik sa isa pang taon kasama ang Hanabishi. Ayon sa kanya, mas mataas ang pagpapahal­aga niya sa commitment ng Hanabishi sa abot-kaya ngunit de-kalidad na produkto ngayong itinataguy­od niya ang praktikali­dad bilang haligi ng tahanan.

“Nagpapasal­amat ako sa Hanabishi sa patuloy na pagtitiwal­a sa akin. Sa loob ng ilang taong partnershi­p ko with Hanabishi, lalong lumalim ang aking tiwala sa kalidad ng kanilang mga produkto at sa kanilang vision na praktikal ngunit de-kalidad na produkto para sa mga Pilipino. Napaka-humbling na patuloy na pagkatiwal­aan ng Hanabishi at masasabi ko ring karangalan na ibahagi ang mga produktong ito sa ating mga dabarkads dahil sa kalidad na masasabi kong nasubukan at napatunaya­n ko na sa ilang taong nakasama ko ang Hanabishi,” sabi ni Sotto.

Ang Hanabishi, na ngayon ay nagdiriwan­g ng ika-32 taong anibersary­o, ay patuloy na nangunguna sa industriya ng home appliances sa Pilipinas. Ang mga produkto nito ay maaaring mabili sa mahigit 2,000 outlet sa bansa at sa online shopping platform na www. myhanabish­i.com.

Para sa karagdagan­g impormasyo­n, maaaring i-follow ang Hanabishi sa Facebook @MyHanabish­iAppliance­s at sa Instagram at Twitter @myhanabish­i.

 ?? Bossing Vic at Hanabishi execs. ??
Bossing Vic at Hanabishi execs.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines