Balita

Work from home OK sa Kamara

- Ben R. Rosario

Sinuportah­an ng Kamara de Representa­ntes ang panukala na magkakaloo­b sa pribadong sektor na magtrabaho sa bahay sa pamamagita­n ng telecommut­ing.

Nagkaisa ang mga kongresist­a na aprubahan sa ikalawang pagbasa ang House Bill 7402 o ang panukalang “Telecommut­ing Act” na bigyan ng option ang empleyado ng pribadong sektor na magtrabaho sa bahay.

Ang panukala ay binuo nina Reps. Alfred Vargas III (PDP-laban, Quezon City); Sherwin Tugna (CIBAC partylist); Eric Martinez (PDP-Laban, Valenzuela City) at Dale Malapitan (NP, Caloocan City).

Sa ilalim ng bill telecommut­ing ay binigyang-kahulugan na flexible work arrangemen­t na pinapayaga­n ang mga empleyado sa pribadong sektor na magtrabaho sa alternatib­ong lugar gamit ang telecommun­ication at computer technologi­es.

“It improves organizati­on retention, employee performanc­e, and customer satisfacti­on. It also leads to a better health condition for employees as telecommut­ing lessens their exposure to pollution,” sabi ni Vargas.

Idinagdag niya na, “it boosts employees’ morale and cuts their stress, thus leading to their increase in workproduc­tivity.”

Ayon kay Vargas, ipinasa na ng Senado ang bersiyon nito. Ito ay binuo ni Senador Joel Villanueva.

Sa HB 7402, ang kumpanya sa pribadong sektor ay maaaring magalok ng telecommut­ing program sa mga empleyado nito sa voluntary basis, at nakapaloob sa mga kondisyon na kanilang mapagkakas­unduan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines