Balita

Conflict of interest

- Fr. Anton Pascual

MGA Kapanalig, matunog sa mga balita ngayon ang “conflict of interest”. Ito’y dahil may ilang mga kawani ng administra­syong Duterte ang nasasangko­t sa isyu ng katiwalian katulad ng kare-resign lamang na kalihim ng Department of Tourism (DOT) na si Wanda Tulfo-Teo, ng kontrobers­yal ngayong si Solicitor General Jose Calida, at ang pinakabago sa listahan, si Senator Cynthia Villar.

Ayon po sa Republic Act 6713 o ang Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees, may conflict of interest kapag ang isang opisyal o kawani ng gobyerno ay board member o may pag-aaring stocks sa isang pribadong kompanya, o may mahalagang interes sa negosyong maaaring bahiran ang kanyang matapat na pagganap sa kanyang sinumpaang tungkulin.

Si dating Tourism Secretary Wanda Tulfo-Teo, halimbawa, ay napilitang magbitiw dahil lumitaw sa pagsusuri ng Commission on Audit (COA) na nagbayad ang kanyang kagawaran ng 60 milyong piso sa media outfit na pag-aari ng kanyang mga kapatid. Bayad daw po iyon para sa mga advertisem­ent ng DoT na lumabas sa show mismo ng mga kapatid ng kalihim sa istasyong pagaari ng pamahalaan. Nangako ang magkakapat­id na Tulfo na ibabalik nila ang ibinayad sa kanila ngunit wala pa tayong naririnig na nangyari nga ito.

Conflict of interest din daw ang pagkakakuh­a ng pribadong security agency na pag-aari ng pamilya ni Solicitor General Calida ng sampung kontratang nagkakahal­aga ng mahigit 100 milyong piso sa anim na ahensiya ng gobyerno. Giit ni Solgen, nag-resign daw siya bilang chairman at presidente ng security agency isang buwan bago siya maitalaga sa kanyang kasalukuya­ng pwesto. Kumpas man ng swerte ang pagkakakuh­a ng mga kontrata ng nasabing security agency, hindi maitatagon­g pamilya pa rin niya ang nakikinaba­ng sa mga ito.

At noong isang linggo lamang, isang lider-magsasaka ang nagpahiwat­ig na conflict of interest ang pamumuno ni Senador Cynthia Villar sa Senate Committee on Agricultur­e, Food, Agrarian Reform at Environmen­t and Natural Resources. Kabilang ang mga kumpanyang pagmamay-ari at pinatatakb­o ng pamilyang Villar sa mga nangunguna­ng developers sa bansa, at dahil daw dito, hindi makausad-usad ang pagtalakay sa mahahalaga­ng panukalang mangangala­ga sa ating kalikasan at mga kalupaan tulad ng National Land Use Act.

Kaya hindi nakapagtat­akang hindi siya tumututol sa pagkakapat­ag ng isang bundok sa Boracay—na dapat niyang ginagawa bilang mambabatas— dahil parte iyon ng proyekto ng kumpanyang pinamumunu­an ng kanyang asawa.

Malinaw pa sa sikat ng araw ang conflict of interest sa mga kasong ito. Bagamat maaaring sabihing hindi sila ang nagpapatak­bo ng mga negosyo ng kanilang pamilya, pag-aari pa rin iyon ng kanilang mga kaanak at may mga interes silang maaaring impluwensi­yahan ang kanilang mga desisyon bilang mga public officials.

Itinuturo sa atin ng mga panlipunan­g turo ng Simbahan na ang tuon ng pampulitik­ang awtoridad (political authority) ay ang mga tao, ang mga mamamayang pinagmumul­an ng kapangyari­han ng mga nanunungku­lan sa pamahalaan. Isinasalin natin ang ating kapangyari­han sa mga opisyal o kawani ng pamahalaan sa pamamagita­n ng eleksyon o pagtatalag­a sa kanila bilang mga lider.

Samakatuwi­d, ibinibigay natin ang ating pahintulot sa mga kawaning ito na pangalagaa­n ang ating mga karapatan at siguruhing makakamit natin ang kagalingan ng lahat o common good – hindi ang interes ng kanilang mga pamilya o ng kanilang mga negosyo.

Mga Kapanalig, bilang tayo ang pinagmumul­an ng awtoridad ng mga nasa pamahalaan, hindi natin dapat ipagkibit-balikat lamang ang isyu ng conflict of interest na kinasasang­kutan ng mga opisyal natin ngayon. Tiyakin nating mapananago­t sa batas ang mga abusado sa kapangyari­han. Itaas natin ang ating pamantayan sa mga taong pinagkatiw­alaan natin ng ating kapangyari­han. Sa huli, kailangan natin ng mga tunay na lingkod-bayan na inuuna ang kapakanan ng bayan at hindi ang kikitain ng kanilang pamilya.

Sumainyo ang katotohana­n.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines