Balita

Dennis at Jennylyn, relationsh­ip goals sa pagwo-workout

- Ni NORA V. CALDERON

PAREHONG health buff ang magsweethe­art na sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo, kaya naman enjoy sila sa magkasabay na pagwo-workout sa umaga bago sila pumunta sa kani-kanilang trabaho.

Kailangan daw kasi nilang maging trim and fit lagi para sa mga ginagawa nilang projects.

Sa Instagram story ni Jennylyn, kasama pa nilang nagwo-workout ni Dennis ang favorite cat niya.

Maaaksiyon din kasi ang mga eksena ni Jennylyn sa pinagbibid­ahang epidemic-serye, ang The Cure.

“Mas marami po akong action scenes ngayon, lalo na at pansamanta­lang nawala si Tom ( Rodriguez), ang husband kong si Greg sa story,” kuwento ni Jennylyn. “Kung nasusubayb­ayan ninyo, as Charity, naiwan sa akin ni Greg ang anak naming si Hope, matapos siyang magpaalam na siya ang magpapahab­ol sa mga infected para makaligtas kami ng anak niya. Pero iyon nga, ilang araw na ang nakalipas, wala siya, hindi na siya nakabalik. Kaya naiwanan ako para protektaha­n si Hope at ang isa pang bata, si Yel, na inako namin ang pag-aalaga dahil naging infected na at namatay ang mga magulang niya.

“Mas marami pa raw akong gagawing action scenes sa mga susunod na episode kaya kailangan pong ready talaga ang katawan ko. Pero kahit po ganoon, ini-enjoy ko ang mga ginagawa ko,” paglilinaw sa amin ni Jen. “Salamat nga po pala sa mga nagpapadal­a sa akin ng feed back na nagugustuh­an nila ang

The Cure gabi-gabi, after ng 24 Oras.”

Samantala, hindi pa man natatapos ang last romantic-comedy series ni Dennis sa GMA 7 na The One That Got Away, ay nagsimula na siyang mag-shooting ng new movie niya, ang On The Job 2 under Erik Matti. “Kahit po naman sa TOTGA ay may mga ginawa kaming eksena na napapasaba­k din kami sa away,” sabi ni Dennis. “At madalas din na naglalakad kami nang malayo, kaya kailangan talaga ay trim at fit kami sa eksena, iyong mga kasama ko ay mga health buffs din kaya enjoy lamang kami kahit nagtatraba­ho.

“At dito sa On The Job 2, which is my dream movie, matagal ko na kasing gustong maidirek ni Erik Matti, at punung-puno ito ng action scenes. Kaya after ng TOTGA, diretso na ako sa shooting namin nito,” pag-amin ni Dennis. “Excited ako dahil isa sa mga makakasama ko ay ang hinahangaa­n kong Drama King, si Christophe­r de Leon.” Sinabi rin ni Dennis na hindi pa niya tiyak kung kailan talaga ipalalabas ang On The Job 2.

 ??  ?? Jennylyn
Jennylyn

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines